She's Psyche Mendoza
"Umiihi pa po ba sya sa kama?"
CHAPTER 24
My heart almost stopped from beating when I heard his voice behind my ear.
The warmth of his voice makes my legs shake. Ugh! What is he doing to me?
"Aray!" Sigaw ni V after I spanked his head.
"Eh...nanggu-gulat ka kaya!" Sigaw ko at pinalo-palo sya.
Pero palusot ko lang yun. Ayoko lang na mahalata nya kung anong nararamdaman ko. Tsk! Bwiset.
Tumawa naman si V ng nakaka-loko hanggang sa dumating si Nanay Liz. Kapatid sya ni Nanay Lesy. Edi sila na puro L ang initials. Tss! Joke.
"Wag na kayo mag sapukan dyan, tara na't kumain." Yaya nito at hinila kami papasok sa loob.
Tiningnan ko naman ng masama si V at ngumisi lang sya sakin.
"Oh Psyche saan ka galing?" Tanong ni Brick.
"Ah wala dyan lang." Sagot ko.
"Wala daw pero parang may hinahan- aray sorry na! Ouch!" Hindi nai-tuloy ni Leo yung sinasabi nya nang sya naman ang sapukin ko sa ulo.
Bakit ba parang pinag tu-tulungan ako ng mga kasama ko ngayon?
They all laughed at ako naman ay namumula na sa hiya.
Habang kumakain kami ay kung ano-anong tinatanong nila kila Nanay Lesy and Liz. Kinuwento ko na rin sa kanila yung tungkol sa akin habang papunta kami dito.
"Ano pong itsura ni Psyche nung bata pa sya?" Tanong ni Jules.
"Natural yung itsura nya ngayon!" Singit ni Brick.
Nag tawanan naman sila. Minsan hindi ko alam kung ka-gwapuhan lang ang ibinigay ng tadhana kay Jules eh. Nakulangan yata sya sa common sense.
"Umiihi pa po ba sya sa kama?" Tanong ni V.
Bigla ko naman syang binato ng kutsara kaya lalo silang nag tawanan.
"Wag nyo nga tadtarin ng tanong sila nanay! Kung ano-anong nasa utak nyo!" Sabi ko pero hindi nila ako pinansin.
"Nakita nyo po ba yung nanay ni Psyche? Naitanong nyo po ba kung naipag-lihi sya sa sama ng loob?" Tanong ni Leo at tumawa ng malakas.
Pati tuloy yung mga kasama namin dito sa dining area nakiki-tawa na rin. Bwisit naman! Bakit ba pumunta pa sila dito?
"Masungit lang talaga yan. Pero mabait naman." Sagot ni Nanay Lesy.
"Talaga po? Bakit parang hindi namin napapansin? HAHAHAHAHAAHA!" Sabi ni Raiane.
Hinayaan ko na lang na pag tawanan nila ako. Minsan lang rin naman kasi magkaroon ng bisita dito kaya minsan ko lang rin sila makita na ganyan kasaya.
"Nakikita nyo po ba si Brick?" Tanong ni Jules bago mag salita ulit.
"Natural hindi naman sila bulag." Pambabara ni V.
Nag tawanan naman kami.
Nung sila Leo ang nag jo-joke inis na inis ka. Pag si V tuwang-tuwa. Bias lang te?
Sumubo na lang ako ng pagkain nang sumingit nanaman ang makulit kong isip.
"Magkamuka po sila ni Psyche diba? Bagay po ba sila?" Dagdag ni Jules.
Bigla namang natahimik dahil nag tinginan sila kay V.
"Awkwardddddd." Mahabang sabi ni Raiane.
Natapos ang gabihan ng puro asaran lang sila. Ako naman ay pumasok na sa loob ng kwarto ko dito sa ampunan at kinuha yung damit, isang pampers, pulbo, cologne, at baby brush ni Parker.
BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Ficção Geral"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza