She's Psyche Mendoza
Sa nakikita ko parang gusto ko nang bumalik ng Pilipinas at sabihin kay Tita Calliope na ako na lang ang i-partner kay P dahil mas hot naman ako kaysa kay Aaron.
CHAPTER 36
"Apo, are you okay?" Grandpops asked nang makita ako sa table.
"Yes po, I'll just finish this then uuwi na po ako." I answered.
Grandpops nodded at me at iniwan na ako. Nandito ako ngayon sa office ni Lolo at ako ang pinag ta-tapos nya ng mga assignments nya. He put his own office here dahil ayaw nilang umuwi ng Pilipinas. Kaya dito nya ginagawa ang mga trabaho nya sa Fly at ngayon, ako ang gumagawa noon dahil malapit na sya mag retire and after 5 years ay si Dad naman ang aalis at ako na ang hahawak ng kompanya kaya naman pina-punta ako dito.
I miss my girlfriend. Kahit gaano ako ka-busy at naka-focus sa mga paper works, bigla na lang minsan mag papakita sa papel yung naka-ngiti na muka ni P at alam kong imagination ko lang yun. I miss her not just when I'm alone at night, but I do miss her even when I'm busy. Sabi nila ganun daw pag mahal mo.
Eww ang bakla!
I checked my watch and it's already 1am. Ibig sabihin 12 hours na akong nag ta-trabaho? But I want to finish this so I don't have something to worry tomorrow when I take my day off dahil ang dapat ko lang gawin bukas ay ibigay ang oras ko kay P.
-Naramdaman ko yung sikat ng araw na tuma-tama sa muka ko kaya naman bumangon na ako.
Kitang-kita sa malaki kong bintana yung view. I opened my Skype to check if P in online but I guess she's busy with G R E E K and school kaya off sya.
7 hours ang pagitan namin dalawa and it's 8am here in London so ibig sabihin 3pm na doon sa Pilipinas. Dumeretso ako sa kusina to get some breakfast then dumeretso na sa kwarto para mag bihis dahil mukang mas maganda kung mag li-libot muna ako dito sa lugar at kumain sa paborito kong cheescake shop noong tumira ako dito noon.
I took a bus at hindi dinala ang kotse ko. Mas maganda kasi kung sasakay ka ng bus dito lalo na pag sa pinaka-tuktok ka pu-pwesto, makikita mo lahat ng dinadaanan. Nang maka-baba ako ay pumunta ako sa mga old church at sa Palace to see Queen Psyche este makita yung palasyo ni Queen Elizabeth. I wish Psyche's with me right now, I saw her little notebook before and she has a bunch of bucket lists.
Gusto nya pala pumunta sa Athens at Santoroni Greece, England, Soul Korea, Spain, Rio Brazil, Hawaii, at kung saan-saan pa. Gusto nya rin daw mag sky diving sa Dubhai dahil maganda ang view doon pag nasa taas.
"Sorry." Sabi ko sa babae na naka-bangga ko. Nakita ko naman na nahulog yung magazine nya at medyo nagulat ako noong makita ko kung sino yung cover ng G R E E K.
Inabot ko sa kanya yung magazine at nag lakad na para humanap ng pwesto at nag bukas ako ng instagram para pumunta sa page ng G R E E K. Nakita ko yung shoot nila Aaron at P noong isang linggo. Napaka-ganda ni P at katabi nya si Aaron na naka-hawak sa bewang nya.
Sa nakikita ko parang gusto ko nang bumalik ng Pilipinas at sabihin kay Tita Calliope na ako na lang ang i-partner kay P dahil mas hot naman ako kaysa kay Aaron. Muka lang syang malinis dahil wala syang tattoo. Tsk! Nakaka-high blood naman yun!
Nag browse pa ako at mayroon akong nakita na magka-lapit yung muka nila sa isa't-isa habang naka-yakap yung kaliwang braso ni Aaron sa bewang ni P.
In the end, I chose to close my IG dahil mapipikon lang ako ng sobra sa mga nakikita ko. Nag order na ako ng cheese cake at apat na slice iyon at dinaan na lang sa pag kain yung pagiging teritorial ko. Alam ko naman kasi na balak nya agawin si P sakin katulad ng akala nya ay ginawa ko sa ex nya noon.

BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Ficción General"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza