She's Psyche Mendoza
"I don't why I felt some dissapointment when I saw that it's not him."
CHAPTER 22
Pangalawang araw na ngayon na hindi nag paramdam sa akin si V. I don't where is he. Ayoko namang mag tanong kay Leo o sa kahit kanino sa mga kaibigan nya.
Kahapon yung rose lang sa locker ko ang natanggap ko pero ni-anino ni V ay hindi ko makita.
Bakit mo ba kasi hinahanap?
Ugh! Pwede bang concern lang? Nakakainis lang dahil hindi sya nag paramdam kahapon hanggang ngayon.
Nasanay ka kasi na nandyan sya at kinukulit ka.
I just walked towards my door at lumabas na. Baka mabaliw pa ako sa pakikipag talo sa isip ko na kung ano-anong sinasabi.
Today is friday so it means sa Fly ang punta ko. Kaya naman sumakay na ako ng taxi dahil 7:30am na at baka ma-late na ako.
"Good morning Pysche." Bati nung guard.
I just gave him a nod at tumuloy na. Simula talaga noong na-disgrasya ako ay napaka-gaan na ng pakiki-tungo nila sa akin.
"Hi Psyche!!!" Bati ni Jules nang makarating ako sa tapat ng elevator.
He is with a girl right now and I'm sure employee yan dito. She is wearing a pencil cut skirt at white na panloob at coat na humuhulma sa mala-coca cola nyang katawan. Lahat ng suot nya ay fitted sa katawan nya.
Nakaka-hinga pa kaya sya?
"Hi Jules." I greeted back and gave him a half smile.
Umagang-umaga may iu-uwi yata itong loko na to sa bahay nya para i-harlem shake.
Tss. Boys.
Pumasok na ako ng elevator nang mag text si Jules.
Napa-irap na lang ako. Bakit hindi na lang nya sinabi kanina?
From: Jules Gwapo
Hey Psyche, I forgot to tell you that V isn't around.
Hindi ako ang nag lagay ng contact name nya kung hindi sya. Hiniram nya kasi yung cellphone ko at inilagay ang number nya.
To: Jules Gwapo
K.
Lumabas na ako ng elevator at umupo sa desk ko at itinuon na lang ang atensyon ko sa papers na kailangang i-print at ibigay sa secretary para sa meeting ni Tito Steve.
Bakit hindi manlang sya nag paramdam? Sumuko na kaya?
I sighed when I realized that I was thinking about him again.
Eh ano naman kung sumuko sya? Tss. Not my loss.
"Uhm Psyche, pinabibigay ni Sir V." Bungad sa akin ng isang babae na employee dito.
"Where is he?" I asked.
"Dinala lang po ng driver nila yan. Galing daw po kay Sir but he's not here." Sagot nito at umalis na.
Tinapon ko yung rose sa trash bin ko dahil sa inis. Ewan ko ba naiinis talaga ako sa lalaking yun.
Tumayo na ako para pumunta sa 45th floor kung saan nandoon ang table ng bagong secretary para ibigay ang papers.
Saktong 12nn nang mag lunch break na kaya bumali ako sa table ko at lumabas para pumunta sa kainan.
Bwisit sa V yan, may niluto pa naman ako para sa kanya tapos hindi sya mag pa-pakita. Mukang ako pa yata ang uubos nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/47264816-288-k694380.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Fiksi Umum"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza