She's Psyche Mendoza
"Wag mo ako pangunahan dahil hindi mo alam kung ano ang nasa isip ko at kung gaano kita kamahal!"
CHAPTER 39
"Uhhm.." I can't speak and my feet are glued on the floor. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya tapos puno pa ako ng kaba.
"Wag natin dito pag usapan please?" Nahihina kong sabi kay V. Sa wakas naka-kuha na ako ng lakas para sabihin yan.
Kinuha nya ang kamay ko at hinila ako pababa para sumakay ng sasakyan. Hindi sya nag sasalita and I can't even read his face right now dahil wala iyong emosyon. Now I can see the dark side of V; yung mas malala pa sakin sa pagiging cold tapos nakakatakot dahil hindi mo alam kung ano yung tumatakbo sa isip nya.
Sumakay lang ako ng sasakyan nya at hinayaan sya na mag drive at dalhin ako kung saan. Wala na akong magagawa kung magagalit sya at iwan nya ako dahil hindi ko rin naman magagampanan yung pagiging girlfriend ko sa kanya in the future.
Almost 45 minutes lang nag drive si V dahil ang bilis ng takbo ng sasakyan nya. Nalaman ko na lang nung nandito na pala kami sa antipolo, yung pinuntahan namin noong birthday nya. I saw V's clock at nalaman kong mag se-seven na ng gabi. Kaya pala ang liwanag na dahil nag u-umpisa nang magkaroon ng city lights na kita dito sa taas.
"How come you didn't told me that you're sick?" Mahina pero galit ang tono ng boses ni V.
Naka-tayo lang kaming dalawa sa tapat ng kotse nya at naka-tanaw sa view. Hindi ko sya tinitingnan dahil ayokong makita nya na mahina ako.
Hindi ako nag salita at naka-yuko lang. Ewan ko ba parang hindi ko na kayang pigilan yung luha ko kaya tumulo na lang yun habang naka-yuko ako. Hindi iyon napansin ni V dahil madilim na pati natatakpan ng buhok ko yung muka ko.
Matagal yung katahimikan na yun. Puro tunog lang ng mga sasakyang dumadaan yung naririnig naming dalawa. Dahil ako; parang wala na yata akong balak mag salita pero gusto kong mag paliwanag kay V.
"I'm sorry." Mahinang sabi ko at niyakap ang sarili ko gamit yung mga braso ko.
"Explain." Ma-awtoridad nyang sabi na parang hindi manlang pinansin yung sorry ko.
Ibang-iba na V yung nasa tabi ko ngayon. Ito yata yung V na hindi mo gugustuhing makita. Pero alam ko naman kaya sya galit dahil rin sakin kaya hindi ko sya masisisi.
"Napasa sakin yung sakit ni papa." I said.
Hindi kumibo si V na parang hinihintay nyang dagdagan ko pa yung sinabi ko.
"I didn't told you about it dahil ayokong mag-alala ka." I added.
"But the way you act so silent and off made me more worried about you. Iyon ba yung sinasabi mo na ayaw mo akong mag-alala? Hindi mo alam na ikaw lang yung iniisip ko habang tinatapos ko yung trabaho ko doon dahil hindi ko alam kung anong problema! I woke up at 6am at nag simula nang tapusin lahat ng mga gagawin ko at tinapos iyon ng 4am just to catch up with my flight pauwi para makita ka. Tell me P, bakit hindi mo sinabi sakin?! Wala ka parin bang tiwala ha?!" Nag simula na akong matakot sa kanya dahil sumisigaw na sya. Ewan ko ba umiiyak na ako ngayon dahil nasasaktan ako.
Para akong sinampal doon sa huli nyang sinabi na "Wala ka parin bang tiwala ha?!" He's right. I should've told him about my case pero naunahan ako ng takot.
"BECAUSE I KNOW YOU'LL LEAVE ME! Sino ba namang magi-stay sa isang babaeng makakalimutan rin naman sya sa huli at puro memories lang ang matira?! Yung babaeng hindi magagampanan yung tungkulin nya dahil magiging pabigat lang sya because of her sickne-" Pinutol ni V yung sinasabi ko nang sumigaw nanaman sya.
"Me! I will stay with you no matter what P! And don't you dare say that I will leave you! Wag mo ako pangunahan dahil hindi mo alam kung ano ang nasa isip ko at kung gaano kita kamahal!" He said at hinilamos ang mga kamay nya sa muka nya sa sobrang gigil.
Lalo akong naiyak dahil hindi ko alam na ganun pala yung iniisip nya. Na handa pala syang damayan ako kahit ganito yung lagay ko; kahit alam nyang makakalimutan ko rin sya sa huli at puro ala-ala lang namin ang matitira sa utak ko. Kahit sino yatang babae kikiligin sa sinabi ni V kahit galit pa yung tono nya. Pero ako naiyak na lang talaga dahil ganun pala nya ako ka-mahal.
"Sorry..." Sabi ko at unti-unti nang lumakas ang iyak ko dahil sa halo-halong nararamdaman. Pero nangingibabaw ang takot sa boyfriend ko dahil ang dilim ng aura nya.
Lumapit sya sakin at mahigpit akong niyakap at hinalikan ang pisngi ko.
"I miss you love." He whispered.
Na-miss ko yung warmth na dala ng kapit nya sakin. Yung warmth ng katawan nya na palaging yuma-yakap sakin, tapos yung sexy voice nya na kahit sino yatang babae ay panghi-hinaan ng tuhod pag narinig nila. Kahit madaming tattoo si V never 'yon nag pa-bad boy sa ugali nya. Yes, he looks like a gang leader pero sa kanilang lima nila Leo, Rai, Jules, at ni Brick; si V yung pinaka-matino. I mean si Rai actually yung pinaka-tahimik pero nasa loob ang landi 'nun. Jusko! Sa gwapo ba naman 'nun tapos naka-gulo lagi yung buhok. Si Leo naman simple lang ang itsura pero pag nakita mo mapapa-ulalam ka. Si Jules naman yung blonde guy na muka talagang f*ck boy kung tawagin ng madami pero mabait naman. Si Brick hindi ko na kailangan i-explain ang itsura dahil i-imagine nyo na lang na naging lalaki ako at nagka-muscle at abs.
"I miss you too." Bulong ko.
He faced me at pinunasan ang mga luha ko using his thumb.
"Anong sabi ng doctor?" He asked.
"Binigyan nya ako ng reseta dahil mild pa lang naman daw pero hindi ko alam kung gagaling pa ako dahil namana ko sya kay papa." Kwento ko.
"Does your family know this?" He asked.
"Wala pa akong sinasabihan." I said.
"Bakit?" He asked.
"Mag ki-christmas, ayokong magka-gulo." I answered at nilagay ang ulo ko sa balikat nya.
Hindi sya nag salita at sinakop nya lang ang bewang ko gamit ang braso nya.
"Hindi ka na ba galit?" I asked and face him.
"I'm not even. Ginawa ko lang 'yon para mapilitan kang mag salita dahil alam kong pag nagpaka-good boy ako hindi ka mag sasalita dahil kampante kang hindi ako magagalit sayo." He explained and smirked.
Ngayon naman tuma-tawa-tawa na sya. He is a great pretender by the way. Napaka effective dahil natakot nya ang isang Psyche Mendoza. Bwisit lang!
Matagal kaming natahimik ni V nang bigla syang lumuhod sa harap ko at may kinuhang box na maliit at binuksan iyon.
-
A/N:Uyyyy, Na-bitin sya! HAHAHAHAHAHA! Ang drama ng chapter na 'to, hindi ako sanay! Btw votes and comments kayo kung ano sa tingin nyo yung gagawin ni V :p Ang maka-tama, isasama ko sa next chapter bilang isang character. Okay ba iyon? Haha osige bibitinin ko muna kayo XD Byeeee!
-G
BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Художественная проза"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza