She's Psyche Mendoza
As if naman mapantayan nya si V!
CHAPTER 35
Tamad na tamad akong sumakay sa sasakyan ko para mag drive papuntang Fly. Kausap ko pa kasi sa skype si V tapos pag tingin ko sa orasan malapit na mag 8am kaya naman nagmadali na akong umalis.
Hindi parin mawala sa isip ko si Aaron. Bwisit kasi yun pati sa mga social media ay hindi sya pumalya sa pag i-stalk sakin.
"Good morning sir." Bati ko sa tatay ni V.
"Oh hi! Galingan sa OJT ha?" Saad nya.
"Yes tito!" I answered and smile at him.
Pumunta ako sa desk ko at tiningnan kung ano yung mga naka-assign sakin na trabaho. Tumingin ako sa mga office mates ko at napansin naman nila iyon and they smiled at me for the first time.
Puro xerox lang naman yung mga gagawin ko eh. Bakit ang dali ng mga ina-assign sakin? Ang unfair sa ibang employee.
Nagulat ako nang may marinig ako sa gilid ng tenga ko kaya naman muntik na ako mapa-sigaw. "Good morning!"
Hinampas ko yung braso nya at sya naman tawa ng tawa.
"Laugh until you die." I said at umirap. Bwisit na Aaron 'to.
"So how's your day P?" Natatawang tanong nya.
"Mabuti naman kaso nung dumating ka nasira na." Sagot ko.
"Ang sungit mo talaga P." He said.
"Can you stop calling me P?! Seryoso nakaka-irita ka!" Sagot ko at kinuha na yung mga papel at bumalik na sa desk ko.
Nag pasalamat ako nang maramdaman kong hindi na sya sumunod. Umupo na ako at nakita ko yung phone ko na may message mula kay Brick.
From: Twinnie
Twinnie! Sabihin mo samin pag ginugulo ka ng ugok na nerd na yun ha!
Nung isang araw pa nya ako ginugulo!
Tinapos ko na yung mga paper works ko at pumunta na sa canteen para kumain ng lunch.
"Can I join you?" Aaron asked.
"No." Sagot ko.
"I am the boss here so I'm allowed to do everything I want." Saad nya at umupo na.
"Oh bat ka pa nag tanong kung lahat naman pala kaya mo?!" Sagot ko.
Hindi ko na sya pinansin at kumain na lang. Pag pinansin ko pa kasi sya baka bumaba ang ratings sakin sa record ko.
Pero habang kumakain ako ay hindi ako maka-focus dahil sa tingin nya. Tapos iba't-ibang babae pa yung lumalapit sa kanya kaya naman nadi-distract ako.
"Umalis ka nga dito. Imbis na tahimik akong kumakain kung ano-anong babae ang nakikita ko." Saad ko.
"Why? Are you jealous?" He playfully asked.
"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo." Sagot ko.
Tumayo na ako para lumipat ng upuan at matapos na sa pag kain dahil nakaka-irita lang talaga sya. Kumakain ako tapos kung ano-anong klase ng cleavage yung nakikita ko sa harapan ko.
-
Matatapos na ako sa mga paper works ko kaya naman nag handa na ako para umalis sa Fly dahil 4pm na rin naman at matatapos na yung oras ko. I checked my phone and saw V's selfie on my screen. Ang cute nya talaga, nakakaiyak. Joke!
"Ma? Bakit po?" I asked mom nang sagutin ang tawag nya.
"Pumunta ka na sa place at start na ng shoot in 30 minutes." Sagot nya. I can hear people's noise kahit nasa telepono at alam kong busy silang lahat dahil sa january na rin ire- release yung new collection ng G R E E K. Yan yung brand ng clothing buisiness ni mama dahil favorite nya daw ang Greece plus yung greek myths at may blood ng greek ang daddy namin tapos sa Santorini, Greece pa sila nagka-kilala nung mga panahong nag ce-celebrate sya dahil naka-move on na sya sa tatay ko. Pero iyun nga, after namin ipanganak at ilang buwan lang ay nawala ako at nagka-gulo.
Nag drive na ako sa studio at bumungad sakin ang magagandang designs ng damit na susuotin ko mamaya. 1 week rin ako nag train ng proper poses and facial expressions para sa imo-model ko. But because I am just a beginner, hinahayaan nila ako at tinutulungan sa mga hindi ko pa alam. Pero all in all masaya yung photographer namin dahil ang bilis ko daw matuto at kaka-start ko pa lang last week ay ang gaganda na daw ng mga photos ko.
The make up artist put a simple yet elegant make up on me tapos nude lang ang color ng lipstick which is gustong-gusto ko dahil napaka-inosente ng muka ko tingnan pero galante ang itsura.
I wore a black sweather with some flower designs on it at pumunta na sa pwesto ko at nag pose ng iba't-iba. Nung nag bigay na ng signal yung photographer na last 2 shots na lang daw ay umupo ako at tumingin sa camera with one hand on my cheek at saktong nag flash.
Lumapit ako sa monitor to see my shots at tuwang-tuwa si Sir Ru (yung photographer) doon sa last pose ko dahil ang ganda ko daw talaga pag close up ang kuha.
(A/N: See the photo above!)
After noon ay lumapit sa akin si Lola at sinabing may kapartner daw ako sa next na pair of clothes na susuotin ko which is like a gym outfits pero mas modern at maganda ang deisign dahil sabi ng designer mas nakakatulong daw sa pag wo-work out pag may magaganda ka daw na damit and I admit na totoo iyon.
Iba't iba yung ginawang design ni Philip (the designer) at ni Brick. Yes kasama si Brick sa mga nag de-design for mens. Mayroong sports, party, date, urban, rebel, at iba pang tema ng damit na talagang kailangan ng mga tao. Kaya naman hanggang december 29 ako mag mo-modelling "kuno" with other pro models.
Suot ko na yung sports bra at leggings na pang work out at inayos naman nila yung buhok ko ng kaunti at pina-punta na ako. Bumungad sakin yung mga models ng G R E E K na may suot na iba't-ibang dresses for prom and party "theme" dahi sila na yung susunod sa amin.
"Nasaan po yung makakasama ko?" I asked doon sa staff.
"Mamaya pa po sya lalabas dahil kayo po muna yung kukuhaan then susunod po sya then after noon ay kukuhaan na po kayo ng sabay. Nasa dressing room pa po sya at inaayusan dahil kaka-dating lang nya." Paliwanag nito at nag nod naman ako.
They took some shot at hindi na umulit dahil maganda daw ang mga galaw ko kaya mabilis kaming natapos. Pero pumunta ako saglit sa dressing room para mag palit naman ng gray sweat pants at white sports bra. Exposed na exposed yung abs ko (yes I do have abs kahit matakaw ako sa fries dahil 3 times a week ako mag work out) at naka-ipit na yung buhok ko.
Naririnig ko na yung tunog ng flash ng camera at bulungan ng mga models na sobrang naa-attract doon sa model na makakasama ko daw after nya kuhaan. Lalo tuloy akong na-curious kaya naman binilisan ko na at lumabas.
I saw him wearing same sweat pants as me pero wala syang pantaas. At ang ganda ng katawan nya tapos yung buhok nya ay gulo-gulo na parang bagong gising at wala rin syang salamin ngayon.
He glanced on me at saktong napa-ngiti sya ng napaka-sexy ng makita ako kaya naman kasabay 'non ang pag flash ng camera. Pero kahit ganoon, mas hot parin si V para sakin.
Teka, teka! Bakit ko sila kinukumpara? As if naman mapantayan nya si V!
"Hey." Bati nya nang madaan sya sa harap ko at dumeretso sa dressing room nya para mag palit ng outfit.
Nakatayo lang ako doon at medyo shocked. Hindi ko naman kasi alam na nag mo-model rin pala sya.
So Aaron will be my partner?
BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Ficción General"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza