She's Psyche Mendoza
"Kahit forever pa kita bigyan ng rose hindi ako mag sasawa P."
CHAPTER 13
Malapit na ang midterm kaya naman todo-todo ang pagka-haggard ng mga students specially lahat ng graduatings.
Kahit sila V at yung tatlo nyang ulupong ay busy rin sa mga kanya-kanyang works tapos yung dalawa pa ay kasali sa UAAP kaya hindi namin makita madalas.
"Leo anong ginagawa mo?" I asked at ibinaba ang libro na hawak ko.
Nag gugupit-gupit kasi sya ng mga colored papers na parang grade 5 student.
"Monthsary namin ni Christine." Maikling sagot nya at tiningnan yung ginagaya nya.
Pero maya-maya ay nilukot nya yung mga papel dahil hindi nya magaya yung nasa picture.
"You know dude, mas maganda pag sayong idea mismo." I suggest.
"What do you mean?"
"Alam mo yun, originality thingy. And plus, pag sarili mong idea yung ginagawa mo, you dont have to check kung tama ba yung ginagawa mo katulad nang ginawa mo kanina nung may ginagayahan ka. You're welcome."
His face brighten up at niyakap ako.
"Thanks Psy! You're the best!" He said.
"Nah, you owe me a coffee for that." Saad ko at kumindat.
He sighed and gave me a "ano pa nga ba?" look.
"What coffee do you want?" He asked nang makarating kami sa Starbucks.
"Ice coffee lang yung malaki ha." I answered at umupo na.
Leo has a girlfriend now at ngayon ko lang sya nakita mag effort para kay Christine. And Christine is a good girl. Alam mo yun, hindi sya yung mga katulad ng babae sa school at maayos sya maki-tungo sakin.
I remembered when Leo introduced me to Christine.
"Christine this is my sister, Psyche." Pagpapa-kilala ni Leo.
Christine smiled at napaka-ganda ng ngiti nya.
"Hi." Bati ko at nakipag hug sa kanya.
Kapatid ang pagpapa-kilala ni Leo sa akin para daw alam agad ni Christine na wala syang dapat ika-selos. Then after a week Leo told her na hindi talaga kami magkapatid at ginawa nya lang iyon para hindi nya kami bigyan ng malisya.
"How's your girl?" I asked nang mak-labas kami para bumalik sa bahay.
Naabutan ko kasi sya na nandoon at gumagawa ng ka-echosan para kay Christine. He is free to go to my house dahil may tiwala naman ako sa kanya at isa pa, mas maganda ang bahay nila kaya imposibleng mag nanakaw sya.
"She still makes me fall in love with her every time we hang out." He answered habang naka-ngiti.
Dang! My best friend is truly in love.
"Kilig na kilig ka naman. Hahaha!" I teased.
"Mararamdaman mo rin ang nararamdaman ko P." He said at ginulo ang buhok ko.
Tumawa naman ako and took a sip on my coffee.
"You know what, this is the first time I saw you like that." I said out of the blue habang nag da-drive sya.
"What do you mean?" He asked.
"Yung talagang mag e-effort ka para sa monthsary nyo. And this is the first time na nag celebrate ka ng 'monthsary' thingy." Paliwanag ko at tumawa.

BINABASA MO ANG
She's Pysche Mendoza (COMPLETED)
Ficción General"Makakalimutan kita. Pero hindi yung pagmamahal ko sayo." - Psyche Mendoza