SPM Chapter 21

535 16 0
                                    

She's Psyche Mendoza

"Oo nga naman anak. Nanliligaw ka pa lang may i love you na agad."

CHAPTER 21

"Ma can I ask you something?"

"What is it son?"

I am now calling mom para humingi ng "advice" dahil one week na akong naguguluhan sa inaakto ni P. She's cold as ice.

"Ma, si P kasi isang linggo na akong pinapahirapan." Sumbong ko na parang bata.

Mom chuckled bago sumagot.

"I can't believe na nag sasabi ka ng problema tungkol sa babae." She said.

"Hindi ka lang siguro sanay na may sinusuyo kang babae dahil noon ay sila ang lumalapit sayo tama ba ako?" She added.

"Yes mom. Pero iba kasi ngayon si P. Hindi sya nag sasalita at puro irap lang ang sinasagot sakin." Kwento ko.

"Baka naman you did something wrong anak." Sagot ni Mom.

"Wala naman Ma. Last night she confronted me at hindi sya naniniwala sa mga sinasabi ko. Masyado daw yatang mabilis when I told her that I love her." Paliwanag ko.

Sandaling nanahimik si Mom at sumagot.

"Oo nga naman anak. Nanliligaw ka pa lang may i love you na agad. Ang napansin ko nga between the two of you ay parang sa story, si Psyche yung lalaki na suplado at cold tapos ikaw naman yung babae na makulit at nag hahabol." Sagot nya at tumawa.

I just rolled my eyes. Oo nga no? Parang si Psyche ang lalaki sa amin dalawa.

"What should I do?" I asked.

"Keep it cool V. Hindi lahat ng babae madaling makuha. Maybe she's not the type of girl na mabilis mapa-kilig o kaya 2 months lang sasagutin ka na. Maybe she wants you to prove to her that you really want to win her love and trust. And I tell you son, I can see that Psyche is worth it." Sabi nito at binaba ang tawag.

Bastos to si Mama. Binabaan ako.

To: Mom

Ma, thank you! Kahit binaba mo ang tawag I'm still thankful. Alam kong dapat si dad ang kinakausap ko tungkol dito but I dont know why I called you. Thanks mom. I love you.

Then I pressed the send button at tumayo na para pumasok.

M, W, F lang nasa Fly si P at yung tuesday at thursday naman ay nasa school sya.

Pumasok na ako sa room namin for my first subject at umupo na sa dulo. Wala pa naman ang prof kaya nag music muna ako.

Pumasok sa pinto si Leo na ikina-gulat ko. Kaklase ko pala sya sa subject na to. Bakit kasi ngayon lang ako pumasok?

"Wow ngayon lang kita nakita dito ah." Bungad nya at tumabi sa akin.

Hindi naman ako sumagot at ngumiti lang sandali.

"What happened?" Leo asked at binuksan ang libro.

"Cold nanaman si P." Maikli kong sagot.

Leo laughed at isinara ulit ang libro na hawak nya.

"I thought ikaw na ang magpapa-bago sa kanya. Hahaha! Sandali lang pala yung happy personality nya. She's really good on playing hard." Sabi nito at tumingin sakin.

"Hindi ko na nga alam kung ano pang gagawin ko mapa-tawa lang sya. Nag bakla-baklaan na rin ako pero effective naman kaso ang hirap." Sagot ko.

"You really did that?" He asked while smirking.

She's Pysche Mendoza (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon