Camera Club

11.7K 196 6
  • Dedicated kay MCLS '04
                                    

MCS University ( Sophomore year )

Saturday afternoon.

After fixing their things in their dorm room, dumiretso na kaagad sina Jin sa meeting place ng Camera club. They like to meet under the old mango tree, near an old playground, at the back of the university. The club owns a room just like the other clubs but it's still lock dahil sa Monday pa lang ang start ng klase nila.

Jin hates being late and most of all waiting for late people! Mabuti na lang at kasama na niya ang best friends niya sa oras na yun. May kasama siyang sasakitan ng puwet kakaupo sa sementong upuan habang naghihintay sa iba pang miyembro.

Camera club was just founded last year, when they were still a freshmen. The club is not popular dahil bukod sa iba ang trip ng mga miyembrong kasali, hindi rin ito masyadong binibigyan ng pansin ng admin. At mukhang nagbabantang matanggal na rin ito sa mga clubs ng university, ito ang dahilan kung bakit nagpatawag ng meeting si Mike,ang club president.

"Asan na ba sila?" tanong ni Anne, the youngest and the weirdest sa grupo. Lagi itong may suot na naglalakihang corrective eyeglasses.

"Nag- aayos pa ng gamit sa kuwarto sina Elle at Lin. Yung iba, tine text ko na."" sagot ni Marie, si "Miss kind" whom everyone likes. Simple lang ito pero mahilig sa gadgets.

"15 minutes na silang late!" reklamo ni Jin sabay pamaypay sa sarili.

"Relax lang, darating din yung mga yun." ani ni Iah na hindi inaalis ang mga mata sa horror book na hawak. Mas kilala si Iah bilang "ate" hindi dahil mas matanda siya kundi dahil kung paano siya kamature mag-isip for her age.

Maya- maya pa'y nagsidatingan na ang ibang miyembro ng grupo maliban kina Elle at Lin.

"Haizt! Late nanaman yung dalawa, sigurado si Elle nanaman ang dahilan." komento ni Ley, ang artist sa grupo. Wala itong sinalihang art contest na hindi napanalunan.

"Let's just start. Alam nating lahat na nanganganib matanggal ng mata-" hindi naituloy na sasabihin ni Mike nang biglang lumitaw mula sa kanyang likuran ang dalawa nilang hinihintay.

"Hi, guys! Sorry we're late" magiliw na bati ni Elle samantalang nakasimangot naman si Lin na naupo sa tabi ni Anne. Kilala si Elle bilang matalino at mabait pero mas kilala siya sa pagiging late. Lagi kasi nitong nakakalimutan kung saan niya iniwan ang kanyang gamit. Mas maaalala pa niya ang buong librong binasa kesa sa kung saan niya nilapag ang kanyang lapis.

"Ba't kayo late?" bulong ni Anne sa katabi.

"Ano pa nga ba? Namisplace nanaman niya yung susi sa kuwarto."

"Tama na yan." saway ni Mike bago nagpatuloy. "Alam nating lahat na nanganganib matanggal ang club. Naririto tayo ngayon para mag-isip ng paraan para hindi yun mangyari. May mga suggestions ba kayo o opinion?"

"Sa tingin ko, dapat na tayong huminto." pahayag ni Mau, bestfriend nina Elle at Lin. Kilala ito bilang "Walking Calculator", napakagaling kasi nito sa Math. Siya rin ang laging nagunguna sa klase. "Una, we're still minors. Pangalawa, wala ng may gustong mag-handle sa atin after what happened last year. At pangatlo, mainit na ang mata ng admin satin."

"I agree." tumatangong pagsangayon ni Elle. "Bakit hindi na lang tayo maging literal na camera club kagaya ng sinabi natin sa admin? Ganoon naman ang ginawa natin noong una, hindi ba?

"That's because wala pa tayong patunay na naipapakita sa kanila." bigay diin ni Mike. "Lahat tayo may dahilan sa pagbuo ng club na'to at kung bakit ganito na ang ginagawa natin. Let's give it another shot, guys."

"Tama si Mike." pagsang-ayon ni Aris. Tahimik lang na tao ito pero kapag nagsalita ay dapat pakinggan. He's the captain of the Debate team and the kind of man who is full of virtue. "Marami na tayong sinakripisyo dito at higit sa lahat may mga nagsakripisyo na ng buhay nila para sa atin.."

--------------- * ------------------- * ------------------ * --------------------

*Pls. finish the first 6 chapters before you decide if you like the story or not and stop. And don't forget to vote! = ) Thanks & God bless!

Oct. 25, 2013

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon