XXXVI- Why?

2.5K 85 1
                                    

Hindi ko pa toh naedit kaya hindi okey ang spacing. Enjoy the last 3-4 chaps kasama na ending. Thank you.

~~~~~*~~~~~*~~~~~*~~~~~~

"Nasaan si Anne?" hinihingal na tanong ni Aris nang magkasalubong sila ni Marc.

Kanina pa sila tumatakbo at nagkahiwa-hiwalay.

"Na-nabitawan ko siya. Nagkahiwalay kami." sagot ni Marc na napaupo dala na rin ng pagod.

"Whaaaat?!"

"Noong hinahabol kami, nagkabitawan kami. Akala ko'y nakasunod pa rin siya sa akin pero paglingon ko'y wala na siya."

"Kailangan natin siyang mahanap." sabi ni Aris sabay muling pulot ng itak.

-----------------------------------------------------------------

Hinihingal na napasandig sa isang puno si Anne.

Ramdam ang malamig na hangin.

Luminga-linga siya. "Asaan na kaya ang iba?"

Napatingin siya sa kalangitan.

Napapikit siya nang maramdaman ang unti-unting pagpatak ng ulan.

Dinama niya ang tubig.

Sumasabay ito sa agos ng kanyang luha.

Ngunit nagimbal siya nang may malapot na likidong pumatak sa kanyang mukha.

Pinahid niya ang kanyang mukha at unti-unting binuksan ang mga mata. "Dugo?"

Kaagad siyang tumingala at mukhang dapat niyang pagsisihan ang ginawa.

Halos magkalapit na ang mukha nila ng isang aswang na naktiwarik.

Hindi na niya nakuhang sumigaw pa dahil agad siyang sinunggaban nito.

Napahiga siya at inupuan agad ng aswang na tumutulo pa ang malapot at may halong dugong laway nito.

Itinaas ng aswang ang kanang kamay nito na may matutulis na kuko at akmang itutusok sa kanya nang may tumalon na malaking aswang dito.

Kasunod noon ay nakita niya si Adang lumilipad palapit. "Takbo! Takbo Anne!"

Pinilit niyang makatayo at tumakbo.

Basang-basa na siya.

Napasigaw siya nang madulas at mahulog siya sa bangin.

--------------------------------------------------------------

"Lin, bakit tayo narito?" Tanong ni Elle sa kaibigan.

"Ssshh." Senyas ni Lin. "Huwag ka na masyadong maraming tanong. Ang importante ay safe ka rito."

"Paano yung iba?"

Umiwas ng tingin si Lin. "Ikaw lang ang maaari kong isalba."

"Huh? Bakit?"

"Saka ko na ipapaliwanag."

Pinili na lamang ni Elle manahimik. "Lin, sino ka ba talaga? Bakit tinatago mo ang katauhan mo?"

---------------------------------------------------

Mahigpit na nagakapan sina Marie at Iah.

"Iah, I'm glad you're okey."

"Me too. Well- we're still not safe." Sagot ni Iah sabay kalas sa pagkakayakap. "Yung iba?"

"I don't know ate. What I know is we need to run!"

Hinila na ni Marie si Iah para tumakbo hindi nila alam kung saan talaga tutungo.

"Kasama- ko kanina- sina- Mike kaso nahiwalay ako."

Naalala nanaman ni Iah ang nangyari kanina. "S-si Mike. Si Mike ang may mga bughaw na mga mata."

Bumagal naman sa pagtakbo si Marie. "Si-sigurado ka?"

"Oo. Teka. Bakit nakakatakbo ka na ng maayos?"

Tuluyang tumigil sa pagtakbo si Marie. "Adrenaline?"

Napansin ni Iah ang unti-unting paghilom ng mga sugat ni Marie sa braso. Nakatalikod pa rin toh sa kanya.

"Marie.."

Humarap toh sa kanya at tinapat ang isang daliri sa sariling bibig. "Sssshhh."

--------------------------------------------

Sinasangga ni Carl ang braso sa patuloy na pagkalmot ng aswang sa ibabaw niya. Ramdam niya ang sakit ng mga sugat na kanyamg natatamo.

"Carl!"sigaw ni Mau sabay sunod-sunod na pana.

Tumalima ang aswang at nanlilisik ang mga matang tumingin kay Mau.

Mabilis na tumakbo ito para salakayin ang dumating. Sunod-sunod na pana ang pinakawalan niya ngunit hindi pa rin toh natinag.

Napaurong siya at napatid sa ugat ng puno kaya siya napahiga. Huli na dahil tumalon na ang aswang!

Napapikit si Mau. Ramdam niya ang bigat nito at ang likidong tumalsik sa kanyang mukha.

Dahan-dahan niyang binuklat ang mga mata. He's face to face with the monster pero may nakatarak na sa leeg nitong itak.

Kita niyang hinugot muli ang itak mula sa leeg ng walang buhay ng aswang.

"A-aris.."

Inilahad nito ang kamay at kanya naman itong kinuha upang makatayo.

Nakita ni Mau na tinutulunga ni Marc na makatayo si Carl na halos hirap na hirap na at puno ng malalalim na sugat ang braso.

Kaagad na tumulong sa pagalalay si Mau sa kaibigan. "Kailangan natin siyang madala sa kuweba at magamot."

Sumangayon naman ang dalawa.

Napadaan sila sa bahaging mabangin at mutik pang madulas si Aris. "Mag-iingat kayo."

"Aris, tignan mo!" Nguso ni Marc sa di kalayuan.

Lumiliwanag na ng kaunti kaya't kita nila ang dalawang aswang na kakaiba sa lahat. Anyong tao pa rin ito maliban sa naglalakihang pakpak ng mga ito na naiiba sa mga pangkaraniwang aswang. Medyo malayo ito sa kanila kaya hindi nila masyado makita ng malinaw.

"Nagharap na rin sila." Mahinang sabi ni Carl.

"Tayo na." Aya ni Aris.

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon