Missing Chapters I

1K 36 0
                                    

Gabay (Gab-I)

Nagpasya kaming bisitahin ni Paloma si Inkong Pasyo pagkat pakiramdam ko'y parating na ang pag-silang sa mga pinili. Lib-lib ang daang patungo roon at papasok sa isang masukal na kagubatan.

Ilang taon na ba? Ilang taon na ba ang lumipas mula nang ako'y unang tumungtong doon? Si Ama ang nag-dala sa akin doon. At doon ko nalaman ang aking misyon. Isang obligasyong hindi maaaring takbuhan.

Dapit hapon na nang makarating kami sa kubo ni Inkong Pasyo. Nakaabang na kaagad sa amin si Eshuel na matuwid pa rin ang tayo.

Matanda ng tignan si Eshuel ngunit di kasin tanda ng tunay niyang edad na daang taon na. Marahil sa pagiging isa niyang anino.

Pumasok kami ni Paloma sa loob at nakita namin si Inkong na asa papag at di na makatayo sa katandaan. Naalala ko pa ang sabi ni Ama na hindi raw siya sigurado kung ilang daang taon ng nabubuhay ang dalawa. Ang sabi raw sa kanya ni Inkong ay may hinihintay raw ito.

Nagbigay galang kami agad kay Inkong. Nagulat kami nang sabihin niyang nagdadalang tao si Paloma. Magkahalong saya at takot ang naramdaman mo ng panahon na yun. Masaya dahil sa wakas nagkaroon ng bunga ang aming pag mamahalan. Kaba dahil sa maaaring mangyari kapag nalaman ito ng ama ni Paloma. Takot dahil sa nakaatas sa aking obligasyon. Paano ko pagsasabayin ang pagiging asawa, ama at gabay?

Napansin ni Inkong ang aking pagkaligalig at ako'y kinausap. Sinabi niyang mag tiwala lamang ako't pakatatag pagkat mamaya'y magsisimula na ang tunay kong misyon. Binigay niya sa akin ang librong ito. Ang mga naunang pahina ay sinulat ng mga naunang gabay. Hindi gaano karami ang mga pahina ngunit tingin ko'y sapat na upang mas makilala ko ang mga pinili. Ang ibang pahina'y bakante na, na ngayo'y aking sinusulatan bilang pag papatuloy ng isang importanteng kasaysayan. At balang araw ay siya namang mamanahin ng susunod sa akin na mula sa lahi ng mga Rañezes.. Lahi ng mga Gabay..

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon