XVI- Beginning of the End III

2.8K 118 2
                                    

Dali-daling kumuha si Marie ng silyang ipupok-pok niya sana sa aswang na humihila kay Ada ngunit tuluyan na ring nakapasok ang isa pa!

Nabitiwan ni Marie ang silya nang bigla siyang lundagan ng nakapasok!

Dinaganan siya nito at hinawakan ang dalawa niyang kamay.

Nagpumilit siyang magpumiglas ngunit mas malakas ito sa kanya.

Inamoy-amoy siya nito habang tumutulo ang malagkit at malapot nitong laway na may halong dugo.

Hindi alam ni Iah ang gagawain. Kapag bumitiw siya sa pagkakaakap kay Ada'y siguradong matatangay ito pero kapag hindi niya tinulungan si Marie siguradong ito naman ang malalagay sa alanganin.

"Tulungan mo si Marie." Ani ni Ada. "Mas importante siya."

Magdadalawang isip pa sana si Iah na bitiwan si Ada ngunit naisip niyang tama ito. Maskailangan niyang tulungan si Marie.

Bibitiw na sana si Iah nang may marinig silang malakas na atungal! Parang kinakatay na malaking hayop.

Napahinto ang dalawang aswang sa kanilang mga ginagawa at nagkatinginan.

"Nardo, tignan mo." Utos ng isa, sa mabalasik nitong boses, na hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa binti ni Ada. "Ako ng bahala sa mga ito."


Iniwan ni Nardo si Marie na hindi na gumagalaw at lumabas ng kuwarto.


"Marie...."


"Huwag kayong mag-alala buhay pa yan. Mawawalan yan ng silbi kung patay na." Ngisi ng isa sabay tingin kay Ada. "Maliban sayo!!!"

Mabilis ang paggalaw nito. Gumapang ito paitaas ki Ada at halos madikit ang mukha kay Iah!


Ngumisi ito na parang nakakaloko sabay tulak kay Iah gamit lamang ang isang kamay.

Sa sobrang lakas nito'y tumilapon si Iah sa pader at nawalan ng malay. Bumalik ang tingin nito kay Ada.

Nanlaban si Ada kahit ang dalawa nalamang niyang mga kamay ang naigagalaw niya sa bigat ng nilalang na nakadagan sa kalahati ng katawan niya. Sa ginawa niya'y nakalmot niya ang mukha nito. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito at hinawakan ang mga kamay niya. Pinigilan siya nitong makagalaw pa.


Lumaki ang bibig nito at lumabas ang dikit-dikit at naninilaw na ngiping matatalas. "Manang-mana ka sa nanay mong matapang! Malas mo lang at hindi mo minana ang lakas ng pagiging aswang niya!"

"A-anong ibig mong sabihin?..."

Hindi siya nito sinagot at humalakhak lang ng humalakhak. Muli niya itong tinanong ngunit ganoon pa rin ang tugon nito sa kanya.


Humaba ang dila nito at dinilaan ang mukha niya. "Ngayon lang ako makakakain ng isang tulad mo."


Lalong lumaki ang bibig nito at mukhang lalapain na nga siya nito!

Napapikit na lamang si Ada subalit lumipas ang tatlong segundong walang nangyayari. Naramdaman niyang binitiwan nito ang isang kamay niya.

Unti-unti niyang dinilat ang kanyang mga mata..

----------

Unti-unting dinilat ni Marie ang mga mata. Wala na ang taong nakadagan sa kanya kanina ngunit nanghihina pa rin siya.

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon