XV- Beginning of the End II

2.7K 106 3
                                    

"AaaaaAhhh!!!"

Isang malakas na tili ang pinakawalan ni Jin sa nakita.

Sa kanyang harapan ay mga patay na hayop. Lahat ay wak-wak ang mga tiyan.

Patakbo siyang pinuntahan nina Anne at Marc.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong agad ni Anne na hindi agad napansin ang mga nasa harapan.

"Anne..." Si Marc, na halatang nabigla sa nakita.

Nilalangaw na ang mga patay na hayop.

Mayroon pang mga nakasabit sa puno. Ang ilan sa mga ito'y putol putol ang katawan at karamihan ay wakwak ang tiyan.

Hindi napigilan ni Marc ang masuka.

"Tayo na!" Hila ni Anne kay Jin.


Halos patakbo silang bumaba ng burol.

Malapit na sila makababa nang hindi sinasadyang magkabanggaan sina Anne at Lin na muntik nang ikatumba ng huli. Mabuti na lamang at nasalo siya ni Mau.

"Aray! Watch where you're going, Anne."

"Sorry."

"Ano bang nangyari sa inyo? Si Jin ba yung sumigaw?" Tanong ni Mau na nag-aalala.

"Oo." Pagamin ni Jin. "May nakita kami sa taas- mga patay na hayop!"

"Bakit kasi kayo humiwalay sa amin?" Sabat ng matandang kasama nina Mau. "May mga mababangis na hayop na naliligaw dito."

"Ma-ba-ba-ngis na hayop?.." Takot na takot si Anne sa narinig.

"Bakit dinala niyo kami rito kung hindi naman safe?" Hindi makapaniwalang sabi ni Elle.

"Huwag kayong magalala, gabi lang sila lumalabas." Ngisi ng matanda.

"Gabi lang?"

"Oo. Tayo na bumalik na tayo."


Nagkatinginan ang magkakaibigan. Magtatanong pa sana si Mau ngunit pinili na lamang niyang manahimik dahil halatang nagmamadali na ang matanda at ayaw na makipag usap.

--------------------------------------------------------------------------


"Jin?! Jin?! Anong nangyari? Hello? Hello?!"


"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Ada.

"Si Jin nagsisisigaw. Tapos biglang naputol yung linya." Sagot ni Marie habang muling tinatawagan si Jin. "Hindi ko naman matawagan yung iba, siya lang."

"Itry mo ulit."

"Hindi ko na siya mata-"

Napaatras sina Ada at Iah nang biglang lumagabog ang pinto, may pilit na pumapasok!


"Tu-tu-tumawag ka na ng pulis!" Nauutal na sabi ni Ada.


"Eto na nga." Nanginginig na sabi ni Marie.

"Sandali, mga aswang ang mga nasa labas. Hindi niyo ba nakita kung anong ginawa nila ki Andoy?" Pigil ni Iah. "Baka ikapahamak pa ito ng iba."

"Wala tayong choice." Sagot ni Marie na itinuloy pa rin ang pagtawag.

"Police station. Good morning-"

"Sir, please help us. May mga pumasok sa bahay ng kaibigan ko! Gusto kaming patayin! Bilisan niyo please."

"Kumalma lang po kayo. Nasaan ho ba kayo? Ano po bang address niyan?"

"Ada, ano raw address?"

Natatarantang ibinigay ni Ada ang address habang patuloy pa rin ang paglagabog ng pinto at halos mabuwal ang mga gamit na hinarang nila.

"Mayroon ka bang mga kasama? Nasaan ba kayo ngayon?"

"I have my two friends with me and we're stuck inside the room upstairs. Nasa labas kasi sila."

"Isara niyong mabuti ang kuwarto at huwag na huwag kayong lalabas. Mayroon ng papunta diyan. Miss, nakita mo ba kung ilan sila at ang mga hitsura nila?"

"My friend did. I'll put her on the phone.- Iah."

Ipinasa ni Marie ang cellphone kay Iah at muling nagtanong ang police sa kabilang linya.

"Tatlo sila. Kanina, nakita ko kung paano sila nagbago ng anyo mula sa naglalakihang ibong itim ay naghugis tao sila pero ang mga mata, ngipin at mga kamay ay hindi sa isang tao-"

"Pinagloloko niyo ba ako?! Alam niyo bang bawal tong ginagawa niyo? Gusto niyo bang makulong? Nakadrugs kayo noh, pulis pa ang napili niyong pagtripan!"

Toot toot toot..


"A-anong sabi?" Tanong ni Ada.

"Binabaan ako."

"Ba't mo kasi sinabi yun?!" Paninisi ni Marie.

"Sinabi ko lang ang totoo."

"Sshh.." Senyas ni Ada sa dalawa para manahimik. "Pansinin niyo- parang wala na."

"Hindi kaya umalis na sila?" Hula ni Marie.

"Malabo yun. Mukhang may pakay sila dito." Sagot ni Iah.

Sabay na napatingin ang dalawa kay Ada.


"Sa akin? Anong kailangan nila sa akin?"

"Yan ang aalamin natin." Sagot ni Iah na nakikiramdam.

"That is- if we survive." Dagdag ni Marie.

"Aaaah!!" Sabay-sabay ang tatlong napasigaw nang lumagabog ang pinto ng ubod lakas.

Nagkaroon ng kaunting awang ang pinto. Dali-dali namang pinigilan nina Iah at Marie ang mga nakaharang dito upang huwag mabuwag. Pinilit nilang muling itulak pabalik ang mga ito.

Dahan-dahan namang tinignan ni Ada ang aswang. Nakikita na ang nasa labas at kaya nang ipasok ang isang braso rito.

Napaupo siya nang biglang sumilip ang dalawang aswang sa awang. Mabuti na lamang at hindi siya malapit sa pintuan.


Titig na titig ang mga ito sa kanya at nakangisi pa ang isa.

Tatayo na sana siya nang biglang humaba ang dila ng isa at pumulupot sa paa niya!

Hinila siya nito papunta sa pinto.

Mabuti na lamang at nagawa pa niyang iharang ang paa niya sa pintuan bago tuluyang mahila ang binti niya palabas!

Mabilis din ang pagkilos ni Iah, niyakap niya mula likuran si Ada at pilit na hinihila ngunit sadyang mas malakas sa kanila ang kalaban. At maging siya'y napaupo rin.

"Marie! Tulungan mo kami." Sigaw ni Iah.

Iniwan ni Marie ang ginagawa at tinulungan ang dalawa.

Nagsibagsakan ang ibang mga gamit na nakaharang sa pinto dahil sa patuloy na pagpupumilit makapasok ng mga nasa labas.

Hanggang sa tuluyan ng mabuksan ang pinto!

~~~~~ * ~~~~~ * ~~~~~ * ~~~~~

pls. don't forget to vote. :)

Often times we're afraid of things... Things that are unsure..

But then there is nothing in this world that is 100% sure, right? The only thing that we could be sure of is there is someone who would always love us no matter what...

GOD...

May you be a blessing and make people smile. :)

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon