XII- Hello Sembreak!

3.2K 104 2
                                    

Camera Club room


"So, ano nang plano?" tanong ni Carl sa mga kasama.

"Ano pa nga ba? Eh, di wala na." Anne rolled her eyes. "I think we might just as well stop. Hello? Wala namang naniniwala satin eh. Hihintayin pa ba natin na isa pa sa atin ang mahospital?"

"Woh? Anne is that you?" pamewang ni Mau. "Eh, sa lahat dito ikaw ang pinakamahilig sa mga weird stuffs especially the unknown and unseen."

"Ang punto lang siguro ni Anne ay tapos na toh. Wala na yung pumatay sa mga bata." tanggol ni Elle habang sinusuklay ang mahabang buhok ni Anne na hanggang bewang. "Itigil na natin, huwag na tayong pumasok sa ikapapahamak pa natin specially the unknown."

"Tama sila." segunda ni Jhon. "Bumalik na lang tayo sa tulad ng dati, pwede? Mainit na rin ang mata ng admin sa atin. Baka makick out pa tayo."

"Or worst, mental hospital ang kauwian natin." dugtong ni Marc.

"Mike, ano?" seryosong tanong ni Aris. "May punto sila."

Isang tango lamang ang tinugon ni Mike na siyang ikinatapos ng meeting.

____________________________________________________

Lumipas ang mga oras sa buhay ng Camera club. Ang mga oras ay naging mga araw at ang mga araw ay naging mga buwan. Hanggang sa napansin na lamang nilang ilang araw na lang at sem break na.

Camera Club room

"I'm bored." kalumbaba ni Carl. "Gimik naman tayo this sem break."

"You're bored?" tamang- tamang pagpasok ni Miss Ong. "Tiyak na matutuwa kayo sa good news ko."




Lahat ay napatuon ang pansin sa sa susunod na sasabihin ni Ms. Ong.




"Pinayagan tayo ng admin na magkaroon ng field trip."

"Pinayagan tayo ng admin na magkaroon ng field trip?" ulit ni Lin na hindi makapaniwala. "That's new."

"Well.. Actually parang retreat. Ang sabi ko kasi sa admin, kailangan niyo rin yun after all that happened . Saka, sa pupuntahan natin for sure maiinspire kayo sa mga tanawing makikita niyo."

"How about our parents?" tanong ni Elle.

"Ikaw talaga, basag trip!" asar ni Jin.

"I'll be giving you letters for your parents. Besides, you're teenagers, being independent is part of growing up."

"Paano po yung mga hindi pa teen? Hindi pwedeng sumama?" parinig ni Carl na kaagad namang kinabusangot ni Anne.

"Malapit na akong mag b-day!"

"Bawal ang bata!" gatong din ni Marc.

"Ssshh.. Huwag niyo nang asarin si Anne." saway ni Ms. Ong. "Basta ba lahat kayo magpapaalam at kailangang may pirma ang mga letters niyo lalong lalo ka na Anne."

"Yes ma'am." sumilay ang malaking ngiti sa muklha ni Anne. "Pero paano po si Marie?"

"She can still join us, tutal papagaling na siya. Basta ba doble ingat lang siya at aalalayan niyo palagi."

"Yes!!! I'll tell Marie right away."

_________________________________________________

Alas kuwatro pa lang ng umaga'y pasakay na ang grupo sa mini bus na inarkila ni Ms. Ong.



"Bakit nasa labas kayo ng university nagpark?" tanong ni Anne sabay abot ng letter kay Ms. Ong na nakatayo sa unang baitang pataas ng bus.

"Para makaalis tayo agad."

"Ha?" napatanong uli si Anne na halatang hindi kumbinsido.

"Hurry up, girl!" sigaw ni Jin mula sa likuran at halatang excited.



Maya-maya pa'y nakaupo na ang lahat sa loob ng bus. Nag-umpisa ng maghead count si Ms. Ong.



"Teka, nasaan sina Ada, Marie at Iah?"

Si Aris ang sumagot na may nakasabit na headphone sa leeg. "Si Ada po, umuwi- wala raw pong tao sa bahay nila. Si Iah, may aasikasuhin pa raw siyang importante at si Marie.. ahm.. Si Marie?"

"She's out of the country. Sinundo siya ng daddy niya kagabi. She'll be undergoing surgery for her scars and stitches." sagot ni Anne.

"Ah.. I see. Too bad, they can't join us. Very well then, fasten your seat-belts guys!" excited na sabi ni Ms. Ong bago umandar ang bus.



Sumandig sa kinauupuan niya si Anne at napatingin sa labas ng bintana nang may mapansin siyang babaeng nakatayo at nakatingin sa kanya. Bakas sa mukha nito ang takot at parang may sinasabi.




"Ha?" sumenyas si Anne na hindi niya ito marinig.

Sa puntong yun ay gumalawa ang kamay ng babae at parang tinatawag siya.

Siniko ni Anne ang katabi. "Tignan mo yung babae sa labas."

Sumilip din si Jin sa bintana. "Saan?"

Muling sumilip si Anne ngunit wala na ito. Nakaramdam siya bigla ng kilabot.

__________________________________________________

Room 303

Kasalukuyang nageempake ng kanyang gamit si Iah nang maalala niya ang araw kung kailan inilibing ang kanilang professor. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone at akmang tatawagan si Ada nang biglang tumunog ito.



Pinindot ni Iah ang receive call button. "Hello? Eto nga.. Sino po sila? Yes. Ha? You mean- Yes. Okey, maraming salamat po."

--End call.

Mabilis na pinatay ni Iah ang kanyang cellphone, kinuha ang susi sa kuwarto at dali-daling umalis.

--------------------

Pumarada ang kotse ni Marie sa harap ng dorm. Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan na may saklay at paika-ika pa ng kaunti dahil hindi pa gaanong hilom ang malalim niyang sugat sa binti.

Tatawid na sana siya papasok ng dorm nang dumaan ang sasakyan ni Mrs. Dela Cruz.



"Ms. Agoncillo, I thought you're father already fetched you last night? Did you forget something? Do you have a spare key because I just saw Iah living the university while you're other room mates already left. Ms. Ong was kind enough to take them to their homes."

"Home?"

"Yes, she owns the mini bus that they used. Oh well, I need to go. Just ask for a spare key, if you don't have one."



Hindi pa natatapos magpaalam si Mrs. Dela Cruz ay dali-dali nang sumakay si Marie sa kotse at inutusan ang driver bago dinial ang number ni Iah.



"Hello.. Ate, asaan ka? I think there's something wrong..."

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon