XIII- Sitio Manggubat

3.1K 110 4
                                    

Ilang oras na ring naglalakbay ang bus na sinasakyan ng Camera club at malapit na rin ang panang-halian, ngunit hindi pa rin sila nakakarating sa kanilang patutunguhan.



"Malayo pa po ba? Na-iihi na po kasi ako." Tanong ni Tom na kanina pa nag-pipigil ng kanyang pag-ihi.

"Hindi mo na ba mapipigilan? Malapit na tayo sa stop over." sagot ni Miss Ong sabay silip sa bintana. " Ayan na tayo oh."



Maya-maya pa'y huminto ang sasakyan sa harap ng isang maliit na tindahan. Hindi pa nakakapag salita si Miss Ong ay nagmamadali ng bumaba si Tom at hindi na pinakinggan ang sasabihin nito.

"Yung mga nagugutom bumili na kayo ng makakain niyo. Mag CR na rin ang mga gustong mag CR. May thirty minutes pa tayong lalakbayin bago makarating sa sitio Manggubat." pahayag ni Miss Ong.

-------

"Ang sakit na ng puwet ko sa kakaupo." reklamo ni Carl pagbaba na pagbaba nila ng bus ni Aris. "Ang layo pala ng pupuntahan natin at mabundok pa. Oh, ba't parang ang lalim nanaman ng iniisip mo? Parang alam ko na yang look na yan."

"Nakapagtataka lang na ang isang stop over ay may iisa lang tindahan, iisang CR at wala man lang ibang kabahayang makikita sa paligid."

"What do you mean?"

"Ang sabi ni Miss Ong, may mga turista na ring dumadayo rito hindi ba? Bakit tatlong tao lang ang makikita sa isang stop over bago makarating sa isang sitiong dinarayo?"

"Eh, baka naninirahan sila diyan sa loob ng gubat?"

Sasagot sana si Aris nang dumating si Tom na nagrereklamo. "Ang dumi ng banyo!"

"Tumigil ka nga sa pagrereklamo mo. baka may makarinig sa iyo." saway ni Jin na tinalian ang dulo ng tirintas ni Anne bago sumakay ng bus.

"Bakit kasi hindi mo pagupitan yang buhok mo? Feeling mo si Rapunzel ka?" pang-iinis ni Tom na sumunod sa dalawa paakyat ng bus.

"Eh kung ikaw kaya ang kalbuhin ko?!" singhal ni Anne.

Natawa ang dalawang kanina'y nag-uusap. Magsasalita pa sana si Aris nang marinig nila ang pagtawag ni Miss Ong sa kanila.

----------------------------------------------------------------------------------

Malakas at sunod-sunod na katok mula sa unahang pinto ng mansion, ang narinig ni Ada. "Sino yan?"

"Kami ito." sagot ni Marie mula sa labas ng pinto.

Dali-daling binuksan ni Ada ang pinto. "Oh. akala ko ba kasama kayo sa trip?"

"We'll explain later. Pwede bang dalhin mo kami sa kuwartong titignan sana namin ni Anne, naaalala mo ba?" tanong ni Iah.

Tumango si Ada. "Tara sa taas."

-----------------------------------------------------------------------------------

Isang malaking arkong yari sa bato ang pinasukan nila.


Ito ang bungad ng Sitio Manggubat...

Ang mga kabahayan ay yari sa pinaghalong bato at matitibay na kahoy. Nakuha nila ang atensiyon ng lahat ng taong nadaanan ng kanilang sinasakyan. Halata sa mga mukha ng mga ito ang kasiyahan.

Sa isang ancestral house ang tinuluyan ng grupo. Ito ang pinakamalaking bahay sa sitio.

Yari sa bato ang spanish style na bahay. Puno ng mga halaman at mga puno ang paligid.

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon