XXXI- Fight Back!

2.9K 126 5
                                    

Kuweba

Sabay-sabay na nagdasal ang magkakaibigan para sila'y patnubayan ng kanilang pinaniniwalaang Diyos.

"Group hug muna." sambit ni Tom.

Hindi naman tumutol ang mga kasama at sila'y nag group hug. Mahigpit ang akap na yun, isang akap na maaaring maging huli na.

Ilang segundo din bago sila nagsibitaw.

"Ayos ka lang Anne?" pag aalala ni Elle.

"Oo, medyo kumikirot lang pero kaya ko na. Magaling yung pinahid sa aking gamot."

"Yeah." sangayon ni Mau. "Natuyo nga rin yung sugat ko dahil doon eh."

"Bilisan niyo ang kilos!" wika ni Jhon na hindi pinapahalata ang kabang nararamdaman. "Yung pinagusapan natin. Magiingat kayo."

Isa-isa na silang lumabas ng kuweba.

"Gabayan sana tayo ng Dakilang lumikha ng lahat." sambit ni Ada kasabay ng paglitaw ng kanyang naglalakihang pakpak at lumipad.

Kasunod no'y nagbago din ng anyo si Son at umalis.

"Alam kong papatnubayan niya tayo.." mahinang sambit ni Elle.

"Elle." tawag sa kanya ni Lin na may dalang pana. Eto ang pinakamagaling sa kanila sa paggamit nun.

Sumunod si Elle kina Lin, Carl at Mau.

"Hawakan mo toh." binigyan ni Aris ng kahoy si Anne na hugis baseball bat. Gawa iyon ni Son.

"Tara na." yaya sa dalawa ni Marc ba na may dala-dalang sibat.

Humiwalay na rin sina Jhon, Marie at Mike kina Jin, Ley at Tom.

-------------------------------

Kasalukuyan namang nasa harap ng gubat si Shehbah at ang kanyang mga alagad. Hindi pa nila magawang makapasok dahil bukod sa makapal na usok na bumabalot dito ay parang nagkasundo sundo ang mga punong magdikit o magsiakap sa bawat isa.

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon