XXVIII- Escape

2.8K 116 5
                                    

"Ley!"


"Marie!" Nabitawan ni Ada ang mga dala-dala nang sumigaw si Marie. Dali-dali niyang nilapitan ito. "Anong nangyari?"

"Oh, anong nangyari?" Tanong ni Jhon nang mapansin si Marie na hinihingal. Kararating lang din niya.


"Nakausap ko sila kaso may biglang dumating. Hindi ko na alam ang nangyari." Paliwanag ni Marie. "Pero may sinabi silang plano sa akin. Hindi raw kasi kayo makakapasok doon."


"Sandali lang, Marie." Pigil ni Ada. "Tatawagin ko muna yung iba."


Maya-maya'y dumating na rin ang iba at inilahad ni Marie ang plano.
-------------------------------------------------

Dungeon

Kinagabihan, muling dinalhan ng pagkain sina Mike.

Akmang hihigupin ni Tom ang sabaw sa mangkok nang pigilan siya ni Mike.

Kinuha ni Mike ang mangkok at pinagmasdang mabuti. "Huwag niyong kainin! Mukhang may pampatulog toh."

Napakunot ng noo si Aris. "Mukhang may binabalak silang masama."


"Hindi pa ba masama toh?" Sarcastic na sabi ni Anne. "As far as I know mukhang may balak na talaga yang teacher teacheran na yan noon pa."


Hindi na lamang pinansin ni Aris ang sinabi ni Anne. "Anong plano Mike?"


"Mukhang mapapaaga ang plano natin. Kapag may nagtsek kunwari kinakain niyo yang binigay sa atin." Ani ni Mike. "Ley, kausapin mo sila ulit. Mapapaaga tayo."


Tumango si Ley at sinunod ang sinabi ng huli.


Hindi nagtagal ay may dumating na bantay. "Hoy, ba't hindi niyo pa ubos yan? Kainin niyo na."


"Ba't ka ba nagmamadali? May lason ba toh?" Painosenteng tanong ni Anne.

"Ah eh. Basta ubusin niyo yan. Pagbalik ko dapat ubos na yan."

"Oo na." Anne rolled her eyes. "Hindi naman masarap toh kaya pipilitin na lang namin. Matatagalan pa bago ko toh maubos ang sagwa ng lasa!"

"Maarte ka pa! Sige babalikan ko na lang yang mga pinagkainan niyo. Siguraduhin niyo lang na ubos yan." Singhal ng lalake bago umalis.

Pinakiramdaman muna ng grupo ang pag-alis ng lalake. Binantayan din nina Marc at Aris kung may paparating.


"Handa ka na ba?" Tanong ni Mike kay Tom na may halong pag-aalala. "Alam mo naman kung anong nangya-"

"Tol, kaya ko toh. Ako pa." Ngisi ni Tom. "Huwag ka mag-alala hindi naman toh ganoon kahirap."

Nagconcentrate si Tom sa pagtingin sa bintana. Ang totoo niyan masama pa rin talaga ang pakiramdam niya ngunit kailangan niya itong gawin. Kailangang mailigtas ang mga kaibigan niya.


Unti-unting umuga ang rehas ng bintana at tumalsik palabas.

Mabilis na kumilos ang bawat isa. Nagtulong-tulong silang makalabas.

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon