XXII- Run!

2.7K 96 9
                                    

Kakalatapos pa lang magbihis ni Mau sa banyo at kasalukuyan siyang nakaharap sa salamin habang naglalagay ng face cream nang biglang pumasok si Jin.

"Anong-"

Tinakpan kaagad ni Jin ang ang bibig niya at sumenyas na huwag mag-ingay. Nilock nito ang pinto.

"Anong ginagawa mo rito Jin? Sisigaw talaga ako ng rape."

Tinakpan muli ni Jin ang bibig niya at nilakihan siya ng mata. "Huwag kang maingay kung gusto mo pang mabuhay."

Hindi kaagad nakapagsalita si Mau. Napansin din niya ang hawak hawak nitong tanto, isang uri ng japanese knife.

Binaba ni Jin ang cover ng toilet seat at umapak dun. Binuksan niya pataas ang top hung window. Sinilip niya kung puwede silang makalabas dun. Nasa bandang likod ng bahay ang banyong ito at katapat ang isang malawak na field. Kapag nakalabas sila ng bintana ay may ilang dipa lang ng semento silang tutung-tutungan at maaari na silang tumalon buhat dun. Kailangan lang nilang mag-ingat sa pag apak. Ang tanong ay kung kaya nitong kasama niya. Tinignan niya si Mau na mukhang naguguluhan na.

"Saka na ako sa iyo magpapaliwanag. Kailangan na nating makatakas dito."

"Ha?"

Hinila na niya si Mau at pinaakyat ng bintaa pero bago ito tuluyang makalabas..

"Teka,  sina Lin?"

"Nahuli na. Bilisan mo na diyan." nagkunwaring kalmado si Jin. "Mag-ingat ka sa pagbaba mo ng bintana."

Lalong naguluhan si Mau at may kung anong takot ang naramdaman niya pero hindi na siya nagsalita at umakyat siya ng bintana. Sumunod din si Jin.

Una namang tumalon si Jin samantalang sumilip muna si Mau.

"Kaya ko ba toh?" bulong ni Mau sa kanyang sarili. Sumesenyas na si Jin na tumalon siya. Mukhang magagamit ko ang power ng pagiging pep squad ko rito.

Bumuwelo siya ng kaunti bago tumalon. Hinila naman siya kaagad ni Jin patakbo ng field kung saan mas mataas pa sa kanila ang mga damo nang biglang may humila sa kanilang dalawa!

--------------------------------------

Pabalik na sina Jhon at Carl ng ancestral house.

Sinamahan kasi ni Carl si Jhon kumuha ng mga pictures. Tumakas sila kasi alam naman nilang hindi sila papayagan dahil gabi na at pinagbawal na pumunta sila ng field.

Naglalakad na sila pabalik nang mapansin nilang may tumalon mula sa taas ng bahay at patakbo ng field.

"Sina Jin ba yun?" tanong ni Carl. "Anong ginagawa nila?"

Sumeryoso ang mukha ni Jhon. "Tara sundan natin. Mukhang may mali."

Patakbo nilang sinundan ang dalawa. Naabutan nila ito. Hinila ni Carl si Mau samantalang hinila naman ni Jhon si Jin pero hindi nila inaasahan ang gagawin ng huli.

Nanlaban si Jin, mabuti na lang at nagkakarate rin si Jhon at nakadepensa. Mabilis ang nangyari before they know it-- nakahiga na si Jhon samantalang nakadagan sa kanya si Jin.

Itinaas ni Jin ang kamay na may hawak ng tanto at akmang itatarak kay Jhon. Napasigaw sina Mau na kinahimasmasan ni Jin.

"Jin!!! STOP!!"

"J..Jhon?"

Tumayo agad si Jin at inabot ang kamay kay Jhon para makatayo. "Sa susunod kasi, huwag ka kaagad susulpot ng ganoon."

"Kung hindi ko ginawa yun, hindi ka hihinto." sagot ni Jhon na pinapagpagan ang damit.

"Bakit ba kayo tumatakbo atsaka kitang kita namin kayo nung tumalon kayo." si Carl.

"Oo nga Jin. Natatakot na ako sa kinikilos mo. Anong ibig mong sabihin kaninang nahuli na sila?" tanong ni Mau.

Huminga muna ng malalim si Jin bago nagsalita. "Nasa kuta tayo ng mga aswang.."

Hindi nakapagsalita ang tatlo sa narinig pareparehas silang kinabahan. Hanggang ang kaba ay nauwi sa sabrang takot. Napaupo si Jhon sa tabi ng isang maliit na puno at napahawak sa noo.

Tinukod naman ni Carl ang kamay sa katawan ng puno, parang dito humuhugot ng lakas para makatayo samantalang naiwang nakanganga si Mau at unti-unting namumuo ang mga luha.

Tumalikod sa kanila si Jin. "Lumabas ako ng kuwarto kanina para maligo dahil gamit ni Elle ang banyo sa loob... Palabas na sana ako ng banyo nang makarinig ako ng ingay. Sumilip ako, nakita kong tumatakbo si Lin at may humahabol samantalang nanlalaban naman si Marc."

"Si.. Si Elle? Yung iba?" Jhon asked na halatang pinipigilan ang pag iyak.

Umiling si Jin na lalong nagpabigat sa loob ng tatlo. Lumapit si Jin kay Jhon at umupo para maging kalevel niya ito. "You need to pull yourselves together because if you don't- hindi natin sila matutulungan. And-- I need to save Tom.."

Napakunot ng noo si Jhon.

Tumayo na si Jin. "I cannot tell you everything. Not now.. So you better stand up! We need to run."

~~~~~*~~~~~*~~~~~*~~~~~

Comment naman po diyan. :)

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon