XXIV- Rightful Queen

2.6K 108 0
                                    

Hahablutin na sana si Ada ng isang malaking ibon. Mabuti na lang at nakatalon siya kaagad!

Sinunggaban naman ni Son ang ibon na nagpalit din ng anyo. Gumulong-gulong sila at naglaban.

Sa laki ni Son na kayanan niyang buhatin ito at parang laruang pinalo sa puno.



Niluksuhan naman si Carl ng aswang at napasubsob siya sa putik. Agad namang sinuntok ni Jhon ng ubod na lakas ang aswang samantalang inupuan ito ni Jin at sinaksak-saksak sa dibdib.


Biglang hinablot ng malaking ibon si Jin  mabuti na lamang at napana ni Iah ang pakpak nito at nabitawan si Jin. Maging ang ibon ay nahulog at nagbago na rin ng anyo. Inalis nito ang pana sa balikat at nanlilisik ang mga matang tinignan si Iah. Pasugod na ito nang sunggaban ito ni Mau at sila'y natumba.



Tinulungan nina Jin si Mau na patayin ang aswang. Hindi nila namalayan ang pagdating ng isa pang ibon at hinablot si Iah.


Nabitiwan ni Iah ang panang hawak at tuluyan na siyang inilipad ng ibon. Tinangka pa ni Jin panain ang ibon pero masyado na itong mataas.



Walang ano-ano'y may dumating nanamang ibon pero kasabay nun ay ang pag ahon ni Ada!

-----------------

Kitang-kita ni Ada na hinablot ng isang ibon si Mau at inililipad na. Dali-dali niyang pinuntahan ito. Hindi siya napansin nito na nasa likod na siya, marahil dahil sa kanyang bilis. Kaagad niyang binali ang pakpak nito. Nabitiwan nito si Mau at mabilis naman niyang hinawakan ang palapulsuhan nito. Kita sa mukha nito ang pagkagulat.




Dali-dali namang pinugutan ni Son ang aswang bago nagbalik sa normal ang kanyang anyo.


Bumaba na rin sina Ada mula sa ere.

Hindi nagbago ang mukha ni Ada kahit na aswang na siya maliban nang ngumiti siya at lumabas ang matatalas nitong ngipin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi nagbago ang mukha ni Ada kahit na aswang na siya maliban nang ngumiti siya at lumabas ang matatalas nitong ngipin. Nawala ang pakpak niya para itong tumupi at muling pumasok sa likod niya.

Maging ang mga matatalas na kuko ni Ada ay nagbalik sa dati.




Napaatras sina Jin nang tankain niyang lumapit.





"Jin ako toh si Ada." Ngumiti si Ada at wala na rin ang matatalas nitong ngipin.



"Diyan ka lang!!" Sigaw ni Jin. "Alam ko kung sino ka. Isa kang aswang!"



"Oo, magpapaliwanag ako pero kailangan muna nating makaalis dito kung ayaw niyong dumugin tayo rito at gawing litson. Naghihintay sa atin si Marie."


"Ba't naman kami mani-" hindi na naituloy ni Jin ang sasabihin.


"You have no choice kung gusto niyo pang makita ang iba."

~~~~~*~~~~~*~~~~~~*~~~~~
6/10/2014

super lapit na!! Maraming salamat sa mga patuloy na nagbabasa at boto.:) Hope you also read my other story "Gangster University" hindi siya yung typical na gang story na puros away at kamao lang gamit. Talino din. Hope you would also support it.

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon