V- The Missing

4.6K 138 1
                                    

Boys dorm

Room 201

 (Carl, Jhon, Marc and Mau's room)

Bumangon mula sa pagkakahiga si Tom at inunat-unat ang katawang masakit. Hindi na niya pipiliting makatulog dahil kahit ano pang  gawin niya'y hindi siya dinadalaw ng antok.

Nakitulog sila kagabi sa kuwarto nina Carl, nagsiksikan silang apat sa sahig na nilagyan lang nila ng dobleng kumot. Walang may gustong bumalik sa kuwarto dahil sa takot.

Tinignan niya ang mga katabing nahihimbing sa pagkakatulog, anong oras na rin kasi nakatulog ang mga ito.

Napansin niyang wala na si Ley sa kuwarto, marahil ay bumaba na ito para magumagahan. Tinignan niya ang orasan sa taas  ng pinto, 11:30 na, pananghalian na pala ang kakainin niya.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Boys dorm

Dinning Hall

Kakaupo palang ni Tom sa mahabang mesa nang tumabi sa kanya si Jhon na may dala-dala ring tray ng pagkain.

"Happy b-day!"  bati ni Jhon.

"Thank you."

"Halatang-halatang hindi ka nakatulog ah, excited?"

"Hindi.. May nangyari kasi  kagabi."

"Anong nangyari kagabi? Paggising ko nakita ko na lang sina Mike na tulog sa sahig."

"Tulog mantika ka kasi. Ikaw lang ata ang hindi nagising kagabi nang makitulog kami sa inyo,eh."

"Late na rin kasi ako nakatulog, tinapos ko kasi yung pagedit sa mga pictures. Ano ba kasing nangyari at mula room 209  nakarating kayo sa amin?"

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon