XXVII- The Plan

3K 132 0
                                    


Kuweba

Papasikat na ang araw ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Ada hindi kagaya ng mga kasama niyang halata ang pagod at hirap na pinagdaanan. Napansin niyang wala si Son kayat nagpasya siyang lumabas.



Nakita niya ito kaagad sa gilid pagkalabas niya. Nakatalikod ito sa kanya kayat hindi siya napansin.

Kumunot ang noo niya nang mapansing may kausap ito. Dahan-dahan siyang lumapit.


Wala naman siyang kausap!


Narinig niyang nagpasalamat at nagpaalam ito sa kung sino mang kausap na hindi naman niya nakikita.








Pinulot ni Son ang nga bungang kahoy sa paanan nang magsalita ito. "Hindi mo ba ako tutulungan?"





Natauhan naman si Ada at dali-daling tinulungan ito. "Sinong-"




"Sa loob ko na lang ipapaliwanag."








Nadatnan nina Ada'ng gising na ang iba nilang mga kasama.






"Saan niyo-let me rephrase that-paano kayo nakakuha ng mga yan?" tanong kaagad sa kanila ni Jhon na abala sa paggawa ng mga pana yari sa mga materyales na dala ni Son kagabi.







Kailangan nilang maging resourceful at gamitin ng tama ang mga kagamitang available sa kanila.







"Oo nga. Hindi ba't hindi tayo maaaring lumayo dito?" tanong din ni Carl na halatang kakagising lang. "Sa pagkakaalala ko wala namang puno o mga halamang asa paligid."




"Paano mo naman nalaman eh madilim kagabi?" Sabat ni Marie na papungas pungas pa at magulo ang buhok.



"Bigay yan ng mga kaibigan." sagot ni Son.



"Sinong mga kaibigan?" si Mau habang kumakain ng saging. "Sarap ah."



"Mga kaibigang tagapangalaga ng gubat na ito. Sila rin ang nagbigay ng mga dala ko kagabi." Sagot ni Son.



"Sino nga?" Marie rolled her eyes.



"Mga engkanto o puwede ring fairies ang madalas na tawag sa kanila."



"Weh? Di nga?" Halos sabay na react nina Marie at Jin.




"Sabi nila may kinuhang mahalaga ang mga aswang sa kanila. Tutulungan nila tayo. Poprotektahan nila tayo dito sa gubat."




"Sa gubat lang?" Usisa ni Carl. "Ano ba yung kinuha ng mga aswang sa kanila?"




"Hindi ko rin alam. Hindi nila sinabi. Oo, dito lang sa gubat hanggang talon. Mayroon kasing matandang kasunduan ang mga aswang at ang mga taga pangalaga nitong gubat. Hindi sila maaaring manghimasok sa tetitoryo ng bawat isa o mangelam sa bawat isa. Nakakapasok lang ang mga aswang dito sa gubat kung nagpapaalam o sa araw na ibinigay nila. Basta hindi inaabuso ang kagubatan. Beyond this forest ay sa mga aswang na maliban sa talon na nagsisilbing neutral ground."




"Sabihan mo ang mga kaibigan mo na salamat." Si Jhon na seryoso at mukhang nag-iisip. "Gagawa tayo ng pain. Sigurado akong pipilitin at pipilitin nilang kunin ang mga pinili kahit na nasa loob na sila ng gubat. Mamayang gabi, kami lang ni Jin ang papasok sa bahay. Hindi ba't marunong kayong gumamit nito?"







THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon