VI- The Grave

4.2K 141 0
                                    

Student's Hall

Kararating pa lang ni Jhon sa student's hall ng umagang yun. Abalang-abala ang lahat sa pagaayos at pagdedesign ng mga board na gagamitin sa exhibit para sa susunod na linggo. Luminga-linga siya para hanapin si Mike. Nakita niya itong nakaupo sa isang plastic na upuan habang nagbabasa ng kung ano. Kaagad niya itong nilapitan.

"Mike, wala akong nahanap tungkol kay Martha Concepcion pero kay Catalina meroon. She was supposed to go home with her sister kaso nagpaiwan dahil may project daw itong gagawin. Hindi na siya nakauwi kaya inireport na ito ng kanyang mga magulang. She's in sixth grade and she's only ten at that time."

"Ten?" tanong ni Mike na hindi inaalis ang mga mata sa mga papel na hawak. "May nakuha ka bang address?"

"Yes, nakuha nina Jin sa files. Ano ba yang tinitignan mo? Teka, yan yung mga drawing ni Ley."

Nilapag at pinagtabi-tabi ni Mike ang mga drawing sa sahig. "Tignan mo. Parang may gustong ipahiwatig ang mga ginawa niya."

Pinagaralang mabuti ni Jhon ang mga drawings nang may mapansin siya. "Sandali, hindi pare-parehas ang paraan na ginamit niya sa pagguhit. Itong lima, masyadong madiin ang pagkakaguhit kesa sa iba."

"Oo nga, ibig sabihin hindi para sa iisang tao ang ginuhit niya.."

"Kina Martha at Catalina. Ang tanong kaninong bahagi ang kanino?"

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Camera Club room

Kinausap nina Jhon, Mike at Tom si Miss Ong tungkol sa mga batang multo.

"Wala kayong nakuha tungkol kay Martha? Isa lang ang sa tingin kong paraan kung paano niyo malalaman ang gusto nila." sabi ni Miss Ong. "Puntahan niyo ang lugar kung saan una niyo silang nakita."

"Sa kuwarto namin?" hula ni Mike.

"Tangek! Hindi. Una namin silang nakita ni Jin sa lumang playground." sabi ni Tom.

"Paano naman tayo makakasigurong magpapakita sila?" tanong ni Jhon.

"Kailangan nila ng tulong niyo kaya alam kong magpapakita at magpapakita sila. Pumunta kayo roon sa oras din kung kailan una silang nakita nina Tom."

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Old Playground

"Nasaan ba si Jhon? Gabing-gabi na, saka naman kayong dalawa nakaisip pumunta rito, ako pa ang sinama niyo. Dapat ang isinama niyo rito, si Iah or Ley." reklamo ni Lin habang tinututok ang hawak na flashlight sa padlock.

"Huwag ka ng magreklamo. May importateng ginagawa si Jhon ngayon." saway ni Tom habang tinatry buksan ang padlock ng gate. "Itutok mong maigi yang flashlight dito sa lock."

"Ano, hindi mo pa rin mabuksan?" tanong ni Mike na nauubusan na ng pasensya.

"Easy ka lang bro." sabi ni Tom habang nagcoconcentrate sa ginagawa. "Malapit na toh."

"Kanina pa yang malapit mo eh." reklamo ni Mike.

"Oh sige, ikaw na."

"Hindi, ikaw na."

Ilang segundo pa silang naghintay bago nabuksan ni Tom ang padlock. Dali-daling tinanggal ni Tom ang bakal na padlock. Bubuksan na sana niya ang kalawanging latch nang mula sa loob ay may kamay na biglang humawak sa kanya.

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon