XXIX- Survival

2.6K 146 22
                                    

Kuweba

"Nasaan yung iba?" tanong agad ni Marie nang mapansing nawawala ang ibang mga babae.

"Nagkahiwa-hiwalay kami." sagot ni Mike sabay alalay kay Tom sa pag-upo sa kahoy na kamang walang kutson.

"Ha?! Nasaan na kaya mga yun?" pagaalala ni Marie.

"Babalikan ko sila." akmang aalis si Jin nang pigilan ni Jhon.

"Siguradong marami na ang nagaabang sa labas nitong gubat."

Magsasalita pa sana si Jhon nang may marinig silang ingay na parang malaking folder na pinapag pag. Sinenyasan niya ang mga kasamang maghanda.

Maya-maya'y pumasok na ang pinagmulan ng ingay- si Ada.

Buhat buhat ang walang malay na si Anne. Mabuti na lang at hindi naihagis ni Jhon ang hawak na sibat.

Dahan-dahang inihiga ni Ada si Anne sa kama nang may marinig silang mga kaluskos mula sa lagusan.

"Guys!" masayang sigaw ni Elle kasunod si Lin.

"Besties!" akap ni Mau sa dalawa. "Akala ko natsugi na kayong dalawa."

"Mabuti at nakaligtas kayong dalawa." ani ni Marie habang hinahaplos ang noo ni Anne.

"Anne!" dali-daling lumapit ang ang dalawang kararating lang sa kama.

"Mabuti na lang at ligtas siya. Akala ko napatay na siya." naluluhang sabi ni Elle.

"Muntik na. Nakita ko siyang nakikipagbuno sa isang aswang na nakapatong na sa kanya. Pinatay ko yung aswang at nawalan siya ng malay." kuwento ni Ada. "Kayo, paano kayo nakarating rito?"

Nagkatinginan ang dalawa bago sumagot si Lin. "Nagtatakbo kami papasok ng gubat. Tapos nakita ka naming buhat si Anne at nawala ang... ang pak pak mo.. Sinundan ka namin."

"Pak-pak?" kunot noo at naguguluhang tanong ni Mike. "At saka sino siya?"

Tinapik-tapik ni Jhon ang balikat ng huli. "Siya si Son. Mahaba-habang kuwento Mike."

"Kumain na muna kayo at gamutin ang iba niyong mga kasama habang nakikinig ki Ada." sabat ni Son.


Ganun nga ang ginawa ng grupo. Matamang nakikinig sina Mike kay Ada jabang ginagamot ni Marie si Anne may pinaka maraming sugat sa lahat.

Dahan-dahan ni Marie na tinagilid si Anne upang makita't magamot ang mga malalalim na sugat sa likod nito. Inuna kasi niya ang mga sugat nito sa braso.

Biglang nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Hindi kaagad siya nakahuma.

"Marie, kailangan mo ng tulong?" tanong ni Elle na nagpabalik sa sarili ng huli.

"Hindi na!" tanggi ni Marie. "Ano, ah.. makikuha na lang yung sweatshirt ko sa bag."


Liningon ni Elle ang tinuturong bag ni Marie at kinuha ang sweatshirt.

"Mabuti at may nadala kayong  gamit." wika ni Elle sabay abot kay Marie na tapos ng tapalan ng mga dahon ang likod ng kaibigan.

"Tulungan mo na lang akong isuot toh sa kanya."

Buong pag-iingat na binihisan ng dalawa ang walang malay pa ring si Anne.

------------------------------

Ancestral house

"Mga walang silbi!!" singhal ni Shehbah sa mga nakahelerang tagabantay ng kulungan. "Mga inutil!"


Sa sobra nitong galit ay sinakal nito ang isa gamit lamang ang isang kamay. Bumaon ang mga matatalas na kuko nito sa lalakeng nagpupumiglas dahil hindi na makahinga. Ginalaw niya ng kaunti ang kamay atay narinig na pitik. At binitiwan ang walang buhay na bantay.

"Hanapin niyo sila! Kung ayaw niyong matulad sa isang toh!" akmang tatalikod at maglalakad na ito nang magsalita ang isa.

"Pe-pero mahal na- na Reyna." nauutak na sambit ng isa. "Nasa gu-gubat po sila at- at pinoprotektahan ng mga tagabantay gubat."

Napataas ang kilay niya sa narinig at nilingon ang nagsalita. "Nangengealam na sila? Binabali nila ang matandang kasunduan?! Bojo!"

Agad na lumapit ang isa sa mataas na jawal ng reya. "Kamahan?"

"Palibutan niyo ang gubat. Siguraduhing walang makakatakas! Hintayin niyo ako doon."


Agad na tumango si Bojo at umalis kasama ng iba pa.


Nagtungo sa sariling silid si Shehbah. Binuksan niya ang malaki at antique na aparador saka hawi ng mga nakasabit na damit doon. Itinulak ang likod nito at lumitaw ang lihim na lagusan.

Nagbago ang kulay ng kanyang mga mata at naging kulay ng dugo. Pumasok siya rito at siniguradong sinara muli ang pinto ng aparador sa likod niya.

Matagal na rin mula nang huli siyang pumasok rito. Dito sa loob ng lihim na silid na ito ay itinago niya ang mahalagang bagay na iyon.

Nagpatuloy siya sa paglakad sa madilim na silid na wala man lamang kahit katiting na liwanag na sumisilip.

Huminto siya sa isang mesa na nababalutan ng puting kumot. Hinaplos niya ang naroroon. Alam niyang buhay ang kanyang pamangkin at kailangan niya itong paslangin.

Marahas niyang inalis ang kumot na sa tagal na'y puno na ng alikabok.

Hinaplos ang makapangyarihang tungkod na symbolo ng pagiging pinuno bago ito kinuha.


"Hindi maaaring masayang ang lahat ng aking pinaghirapan."
~~~~~*~~~~~*~~~~~*~~~~~BASAHIN para magka UD

Sagutin ang tanong: Sa mga characters sino ang tumatatak sa inyo? 2nd question: Anong tanong sa story ang gusto niyong masagot? puwera lang sa tanong na kailan toh matatapos.hehe! Walang comment walang ud.alang vote walang ud. kasi para lam ko kung gusto pa ba ninyo basahin.xenxa na sarap kasi sa pakiramdam pag may vote. Kaya maraming maraming salamat sa mga nsgbabasa, boto, message at comment. God bless.

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon