XXXIII- Fight Back 2

2.7K 112 7
                                    

"Ley!!!" Hiyaw ni Tom nang biglang may ibong kumuha kay Ley.

Mabilis na hinabol ni Jin ang ibon at dahil sa nagpupumiglas si Ley ay hindi kaagad ito makalipad ng maayos.

Sa pagtakbo ni Jin ay bigla siyang pinalutang ni Tom at mabilis niyang ibinaon ang tanto sa may likod nito. Hindi bumitiw si Jin at unti-unti silang bumulusok sa lupa dahil sa ginawa niya.

Matuling na nagpalit ng anyo ang ibon at naging mabangis na aswang at hinawi si Jin ng ubod na lakas.

Tumama ang ulo ni Jin sa puno at hindi na gumagalaw.

Nanlilisik ang mga matang tumingin ang aswang kay Tom. "Grrrraaaaaaaaaarrrr!"

"Takbo Ley!" Sigaw ni Tom nang pasugod na sa kanya ang aswang.

Nagsimula ng tumakbo si Tom dahil siya ang napiling sundan ng aswang!

Hindi naman umalis si Ley dahil ayaw niyang iwan si Jin.

--------------------------------------

Matuling tumatakbo si Lin kasunod ang tatlo pang kasama habang pinapana niya ang mga sumusunod sa kanila.

Katulad niya'y pinapana rin ni Mau ang mga nakasunod sa kanilang mga aswang. Kitang-kita niya ang mga aswang na parang unggoy na palipat-lipat ng puno.

Napahinto sila nang biglang may lumundag na aswang sa harap nila. Before they know it napapalibutan na sila.

Hinihingal na sila,

Butil butil ang pawis.

Humigpit ang hawak nila sa kanya-kanyang armas.

Nagpapakiramdaman maging ang mga kalaban hanggang may pumuna ng sunod sunod sa mga aswang. Kung saan galing o kung sino ay hindi nila alam.

"Aaaaaaarggggg!!" Sigaw ni Lin na naging hudyat para sa kanilang lumaban.

Lumaban sila hanggang sa maabot ng kakayahan nila.

Nagkaroon sila ng mga sugat ngunit hindi sila nagpatalo. Patuloy din ang mga pana mula kung kanino.

Natapos ang labanan..

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon