XI- Unanswered Question

3.7K 124 1
                                    

Unting-unti bumukas ang pintuan ng kuwarto nina Lin.

"Mukhang iniwan ka ata ng ating prinsesita, Paloma."

Napalingon sa pinanggalingan ng tinig ang manikang si Paloma. "Ki.. Kilala ko ang boses mo.."



Marahang isinara ni Shehbah, ang reyna ng mga aswang, ang pintuan ng kuwarto. Nilibot nito ang kuwarto na para bang namamasyal at huminto sa tapat ng picture frame ni Ada. Kinuha nito ang picture frame at ngumisi.



"Napakaganda ng iyong anak, Paloma.. Alam ba niya ang katotohanan sa kanyang pagkatao?"

"Hi..hindi. Wala akong planong sabihin pa sa kanya."

"Nauutal ka ata, Paloma. Natatakot ka ba?"

"Hindi ako natatakot sa iyo."

Napahalakhak si Shehbah sa tinuran ng huli. "Hindi ka pa rin nagbabago. Naaalala ko pa nang sabihin mo ki ama ang pagtalikod mo sa iyong tungkulin."

"Hindi ba't yun naman ang nais mo?"

"Oo at maayos na sana ang lahat.. Kaso nalaman ni ama ang pagkakaroon mo ng anak."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Akala ko'y tuluyan na siyang magagalit sa iyo. Ngunit hindi ganoon ang nangyari. Naniniwala siya na ang iyong anak sa isang gabay ay magdadala ng magandang pagbabago para sa lahi natin. Sa kanya ibibigay ni ama ang trono at hindi sa akin. Ako, na nagsilbi sa kanya at hindi nang-iwan ay naisantabi nanaman! Hahaha! Nagpapatawa ba siya? Tingin ba niya'y papayag akong makuha ng iba ang trono?"

Ibinalik ni Shehbah ang picture frame sa lalagyan bago ibinalik ang tingin sa manikang kausap. "Kaya ayun, pinatay ko siya bago pa man niya masabi sa buong angkan ang balak niya."

"Hayop ka talaga, Shehbah! Gusto lang ni ama ng pagbabago."

"Kaso ako ayoko! Lalo na ngayon na kaibigan ang turing sa akin ng mga pinili. Madali na silang paslangin."

"Hindi ka magtatagumpay! Malalaman din nila ang balak mo!"



Biglang lumaki ang bibig ng reyna ng mga aswang, lumabas ang mga matatalim na pangil nito, humaba ang dila at pumulupot sa katawan ni Paloma.

Nagpupumiglas makaalis ang huli ngunit hinawakan siya ng mahigpit ng kanyang kalaban bago bumalik ang mahabang dila nito sa loob ng bibig.



"Sa tingin mo, hahayaan kitang isiwalat ang mga nalaman mo kagaya ng magaling mong asawa?"

"A-ano?"

"Oo, ako nga. Natuklasan niya kung ano ang tunay kong pagkatao. Sinundan niya ako kaya pinatay ko siya bago pa niya masabi sa iba ang tungkol sa akin. Gusto mo bang malaman kung paano ko kinitil ang buhay niya?" Ngisi ni Shehbah sabay labas ng dilang mahaba at dinilaan ang mukha ni Paloma.

"Kaya madali na lang palabasing nagbigti siya. Pinalabas kong ganun, dahil siguradong pag nakaamoy ng hindi maganda ang mga lintek na camera club na yun, magiimbestiga."

Muling nagpumiglas si Paloma. "Napakasama mo! Bitiwan mo ako!"

"Minsan mo lang maaaring gamitin ang kakayahan mong pagsalin sa isang manika hindi ba, Paloma?"



Nanlaki ang mga mata ni Paloma sa tinuran ng huli. Ano nga bang magagawa ng manikang tulad niya? Nawala na ang kahit ano pa mang kakayahan o kapangyarihan niya nang mamatay siya at sumalin sa manikang katawan niya ngayon. Napapikit na lamang siya at nagdasal ng taimtim.

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon