XXX- Hunt

2.6K 160 10
                                    

Ancestral house

Lumabas ng terrace si Shehbah hawak hawak ang matandang tungkod na may mga nakaukit na mga salita na maging siya'y hindi naiintindihan.


Yumuko ang mga nilalang na akala mo'y mga tao.


Lumitaw rin mula sa likod ng reyna ang isang lalake na mahigpit ang pagkakahawak sa magkabilang braso ni Iah na nagpupumiglas.


"Makinig kayong lahat! Kailangan nating makuha ang mga pinili at ang mga kasama nilang dayo. Dalhin niyo sila sa akin ng buhay at gagantimpalaan ko kayo!"

"Pero kamahalan, ang gubat." sambit ng isa.


Shehbah tightened her grip on the cane. "Ako ang bahala. Magkita-kita tayo doon."


"Masusunod kamahalan." sabay sabay na sabi ng mga aswang at nagsipalit ng mga anyo.

Ang iba'y nagkaroon ng mga pak-pak at unti-unting naging ibon. Sila ang mga tinuturing na mga malalakas sa lupon.

Sabay sabay na umatungal ang mga aswang. Kita ang mga matatalim at manilawnilaw na mga ngipin. Agad silang tumalima at tumungo sa gubat.


Nilingon ni Shehbah si Iah and gripped her face. Halos bumaon ang kanyang matatalas na kuko. "Ssshh, huwag ka ng manlaban. Pasalamat ka nga at tinakpan ko lang yang bibig mo dahil kailangan ko yang dila mo! Huwag kang mag-alala magkakasama rin kayo."


Marahas na binitiwan ni Shehbah si  Iah. Lumitaw ang kanyang naglalakihang pakpak na mas malaki sa ibang mga aswang. Naging pula ang kanyang mga mata at tumalas ang mga ngipin maging ang kanyang mga kuko.


Umunat ang kanyang mga pak-pak at sa isang malakas na kumpas ay nasa himpapawid na siya.

Kaagad niyang narating ang gubat. Naroroon na ang kanyang mga taga sunod na hindi makapasok sa gubat dahil sa mga punong nagdikit-dikit. Nagsilbi itong harang sa mga gustong pumasok. Animo'y isa itong napakalaking gate.

----------------------------------

Kuweba

Dala marahil sa sobrang kapaguran ay nakatulog ang magkakaibigan maliban na lamang kay Ada at Son nanagbabantay sa labas, at kay Carl na nagbabantay sa mga natutulog.

Naalimpungatan si Tom nang may maramdaman siyang dumampi sa kanyang paa pero mabilis din itong nawala. Pinili niyang huwag munang dumilat dahil iniisip niyang isa lang toh sa mga kasama niya.

Ikinilos niya ng kaunti ang paang may pinsala at wala na siyang kahit ano pa mang sakit na nararamdaman. Napabalikwas siya ng bangon at muntik ng mahulog.

Nakaupo pala siya nakatulog kanina sa tabi ng mahimbing paring tulog na si Anne. Tinignan niya ang paligid.

Tanging ang lumang lampara na na mukhang sinauna pang panahon at may mga nakadikit na agiw ang naging tanglaw niya.

Tulog na tulog naman ang mga kasama niya pati rin si Carl na humihilik pa na habang nakaupo sa malaking bato.

Napakamot siya sa ulo. Sino kaya yun? May magic ba yung kamay ng humawak sa akin at napagaling ako? Hindi kaya..

Sinilip niya ang mga natutulog sa paanan ng kana. Naroon si Elle na katabi ang dalawang matalik na kaibigan at natutulog sa pinagdikit-dikit na malalaking dahon. Eto ang pinakamalapit sa paanan ng kama at madali lang siyang abutin nito.

Si Elle kaya? Pero ang alam ko hindi naman siya isang pinili. Oo tama imposible mangyari yun.Umamin na sana siya kung ganoon pero paano kung inililihim niya? Bakit?

Naputol ang kanyang pagmumuni nang humahangos na pumasok si Ada. "Gumising kayo! Nag-umpisa na!"

~~~~~*~~~~~*~~~~~*~~~~~BASAHIN 4 UD

Ayan matino ako kausap. May Ud na hindi kasing tagal ng dati. para toh sa mga nagcomment at vote. This time vote lang hihingin ko. Puwede po ba gawing niyong 165 votes total nitong book. Paano? Vote every chaps. pretty pls.? Para ud ulit mas nakakagana mag-isip. Maraming salamat ulit sa mga nagvote basa at comment lalo na kina AnnieNon, Eggshake at JoSeph558 salamat sa comment at pagsagot :)

And lastly kung trip niyo yung pamystery effect.yung katulad nito. yung para kang gumagawa ng puzzle at nasisiyahan kang magsolve lalo na pagtumatama. Basahin niyo rin po yung isa ko pang gawa. Gangster University. Katulad ng sabi ko hindi ito katulad ng mga nababasa niyo na puros gulo. There's something more about it. Try niyo lang po. God bless!

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon