XVII- Arrow

3K 116 2
                                    

Sitio Manggubat

"What's up Marcolito?!" Magiliw na bati ni Tom kay Marc. "Hapon na hapon nagkakape ka, kaya ka masyadong nerbiyoso. Kumusta ang lakwatsa niyo?

"Masama." Sagot ni Marc na halos bumulong.

"Ba't ang hina ng boses mo?! Anong ibig mong sabihing masama?"

"Haizt!" Hinila ni Marc si Tom paupo sa tabing silya. "Huwag kang maingay baka may makarinig."

Tom nodded and leaned towards him. Marc told him what happened earlier.

"Baka naman gawa yun ng malaking hayop."

"May mga nakasabit sa puno?"

"Leopard?"

"Tom!" React ni Marc na napataas ang boses.

"Binibiro lang kita. Alam ko na kasi ang tinutumbok mo. Huwag kang masyadong mag isip puwede? Baka talagang may mabangis na hayop sa lugar na iyon. Sayang, nagpaplano pa naman kami ni Mike magcamping sa talon." Ani ni Tom sabay tayo at tapik sa balikat ng katabi. "Let's just enjoy our vacation."

Hindi na umimik pa si Marc at tinuon ang pansin sa iniinom. Hindi niya namalayan ang makahulugang tinging pinukol sa kanya ni Tom bago umalis.

"Kailangan kong puntahan ang lugar na iyon."

-------------------------------------------------------------------

Nagtungo agad si Mike sa kanilang kuwarto nang malamang hinahanap siya ni Tom. Nadatnan niya itong naka indian sit sa sahig habang pinapalutang ang sarili nitong tsinelas.


"Tom!" tawag ni Mike na siyang ikinagulat nito at nahulog sa mismong ulo nito ang tsinelas.

"Ano ka ba?! Hindi ka ba marunong kumatok?"

Kaagad na nilock ni Mike ang pinto bago lumapit kay Tom. "Bakit ka nanaman nagpapractice? Paano kun may makakita sa iyo at saka naalala mo noong huli mong ginamit yang kakayahan mo?"

Napasibangot si Tom nang maalala ang sinasabi ni Mike.

"So, ba't mo ako hinahanap kanina?"

"May nangyari kanina kina Marc." sagot ni Tom na siyang kinakunot ng noo ni Mike.

"Ano?"

Isinalaysay ni Tom ang mga sinasabi sa kanya ni Marc kanina. "Gusto kong puntahan yung lugar."

"Sira ulo ka ba? Delikado yang sinasabi mo."

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon