Missing Chapter III

915 34 0
                                    

Katuparan ng Hiling

Kalaliman na ng gabi nang magising si Ada na ramdam ang sakit mula sa kanyang mga sugat. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago pilit na bumangon. Napadako ang tingin niya sa taong nakatayo sa bintanang malapit sa paanan ng kanyang kama.


Nakamasid ito sa labas nang mag-salita. "Napakaganda ng bilog na buwan sa iyong panaginip.."


Napakunot noo si Ada, hindi niya gaanong makita ang mukha nito dahil sa dilim. "Sino ka?"


Humarap ito sa kanya, mula sa sinag ng buwan ay nakita niya ang kakaibang mga bughaw na mata. "I-ikaw?"


Unti-unti itong lumapit sa kanya. "Narito ako para ibigay sa iyo ang matagal mo ng inaasam bilang pasasalamat sa iyong pagtulong sa amin, ngunit kailangan mo sa aking ipangako ang isang bagay."


"Ano yun?"


"Mula ka sa lahi ng mga Rañezes, kayat hindi mo maka-kalimutan ang aking mukha sa iyong pag-gising. Nais kong hilingin sa iyong huwag mo ipagsa-sabi kung sino ako."


Titig na titig si Ada sa mga mata ng kausap at kahit gusto pang magtanong ay pinili na lamang tumango.


Lumapit ito sa kanya at inilagay ang dalawang kamay sa kanyang mga mata. "May limitasyon lamang ang kakayahang ito't mawawala rin sa iyo. Tandaan mo, wala kang dapat pag-sabihan buhay man o patay. Dahil kapag ginawa mo iyon, sisiguraduhin kong lahat ng lipi mo'y mawawala at kukunin ko ang iyong mga mata maging ang iyong dila."


Kinilabutan si Ada sa narinig at magsa-salita pa sana nang maramdaman niya ang hapdi ng kanyang mga mata. Napasigaw siya sa sakit at napupo sa sahig.

"Aaaaaaaaah!!


"Ada! Ada! Gising!"


Nagising si Ada na tagaktak ang pawis at uupo sana nang pigilan siya ni Son. "Hindi ka pa ganoon kagaling."


"Kaya ko." Iling ni Ada at unti-unting naupo. "Gusto kong uminom.."


"Saglit kukuha lang ako ng tubig." Dali-daling lumabas si Son ng kuwarto.



Napadako ang paningin niya sa paanan ng kanyang kama. Nanlaki ang mga mata niya, hindi makapaniwala sa nakikita kayat kinusot niya ang kanyang mga mata bago muling tinitigan ang dalawang pigura.

Nagtubig ang kanyang mga mata nang kanyang sambitin ang mga katagang. "Ina.. Ama.."

-------------
July 26, 2017

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon