X- The Unexpected

3.3K 130 5
                                    

Saturday

Makakasalubong nina Marie at Anne si Jhon na may dala-dalang envelope.





"Ano yan?" usisa ni Marie.



"Yung mga pictures na nakuha ni Marc, inenhance ko." sagot ni Jhon sabay abot ng envelope.



Tinignan ni Marie ang mga pictures nang may mapansin siya. "Etong bata! Nakita ko na tong bata."



"Alin diyan?" holos sabay na tanong nina Anne.



"Eto." turo ni Marie sa isang batang babae. "Nakita ko siya rito sa school. Hindi ako maaaring magkamali. Siya yun."



"Sigurado ka?" tanong ni Jhon. "Paano mangyayari yun, ilang taon na ang nakakaraan? Matanda na si Cita- unless hindi siya isang tao."



"Sigurado ako sa nakita ko. And Jhon, sa dami na ng mga kakaibang nangyari sa atin, hindi malayong mangyari ang sinasabi ko."



"Kailangan tong malaman nina Mike." ani ni Jhon sabay kapa ng kanyang cellphone sa bulsa. "Damn, nakalimutan ko yung cp ko sa kuwarto. Kayo na tumawag."



"Wala akong load eh." sibangot ni Anne.



"Ano ba yan? What's the use of your cellphone?" si Marie sabay tawag kay Mike ngunit hindi ito sumasagot.





Inulit ni Marie ang pagtawag ngunit bago pa man muling magring ang cellphone ni Mike ay may napansin siya sa di kalayuan.



Napaatras siya..



Papalapit ng papalapit

ang pigura ng

isang bata..





Unti-unting binaba ni Marie ang cellphone. "Yu- yung bata.."





Sabay na napatingin sina Jhon sa tinuturo ni Marie.

Ngunit bago pa man nilang nakuhang tumakbo'y nakalapit na ito sa kanila!



Halos magdikit ang mukha ni Anne at ni Cita na animoy tumangkad.



Bumungisngis ito..



labas ang mga naninilaw at matatalim na ngipin

naglalaway na parang gutom na gutom.



Nanlaki ang mga mata ni Anne lalo nang akmang hahawakan siya nito sa leeg.



Mabuti na lamang at mabilis siyang nahila nina Jhon.



Mabilis silang tumakbo palayo rito.





Dinampot ni Cita ang nahulog na litrato. "Hindi ko hahayaang mawala ang tinatamasa kong kabataan ng dahil lang sa inyo. Papatayin ko na kayo, wala akong pakealam kung kayo pa ang mga pinili!"

----------

Patuloy sa pagtakbo ang tatlo at hindi sinasadyang mabangga si Tom. "Oh? Ba't ganyan mga hitsura niyo? Para kayong nakakita ng multo?"





Ngunit sa halip na sagutin ay hinila na lamang siya ni Marie at napasama siya sa pagtakbo.

Hindi nila namalayang nakarating na sila sa lumang building ng school, na ngayo'y bakante na.



Nagtago sila sa isang lumang science laboratory sa ikatlong palapag.





"Ssh.. Sshh." alo ni Jhon kay Anne na kanina pa iyak ng iyak dahil sa takot.



THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon