XVIII- Ada

2.5K 110 2
                                    

Titig na titig si Ada sa matabang lalakeng nakatali sa upuan.

Marami siyang tanong na kailangang masagot..

Naputol ang kanyang pagmumuni muni nang kumislot ito.


"Sino ka?" tanong agad ni Iah pagkabukas na pagkabukas ng mga mata ng lalake. "Ano'ng kailangan niyo sa amin?"


Parang nahihilo pa nang magsalita ang lalake. "Ako si Son, kaibigan ng mga magulang ni Ada."

"Aswang, kaibigan? Imposible." si Marie ang nagreact.

"Sandali, ano ulit ang sinabi mong pangalan?" tanong muli ni Ada na may maalala.

"Son."

"Son..." Nagbalik ang ala-ala ni Ada sa panahong kausap niya ang kanyang ama.

----------

"Ano po yan?" tanong ng pitong taong gulang na si Ada sa kanyang amang may hawak na gintong pendant.

Ngumiti ang kanyang ama at pinakita sa kanya ang hugis araw na pendant.

"Sun?"

Tumango ito. "Para ito sa isang kaibigan. Makinig ka sa aking mabuti, Ada, kapag dumating ang panahong hindi mo na alam kung sino ang mapagkakatiwalaan mo at wala na kami sa tabi mo.. Isang tao ang gagabay sa iyo."

"Anong ibig niyo pong sabihin?"

Kinarga si Ada ng kanyang ama at kinandong pag upo sa sofa. "Masyado ka pang bata para maintindihan mo. Matalik namin siyang kaibigan ng mama mo. Katunog ng sun ang pangalan niya kaya ito ang napili kong ibigay sa kanya. Ito rin ang magiging palatandaan na siya ang taong sinasabi ko kapag kayo'y nagkita na."

-------------

"Kung ikaw nga ang sinasabi mong ikaw, may dala ka bang patunay?" tanong ni Ada.

"Sa bulsa ko kamahalan."

Lumapit si Ada sa lalake at kinapkap ang bulsa ng pantalon nito.

"Ada, mag-ingat ka baka humaba dila niyan. At saka bakit ba kamahalan ka ng kamahalan?" pagtataka ni Marie na may halong inis.

Nanlaki ang mga mata ni Ada nang makuha ang isang kuwintas sa bulsa ni Son.

Eto nga yun! Hindi siya maaaring magkamali.

"Sino ka ba talaga?!" sigaw ni Ada na ikinabigla ng mga kaibigan niya.

"Sa tingin ko, mali ang tanong mo sa akin, kamahalan. Ang tamang tanong ay kung sino ka.."

~~~~~ * ~~~~~ * ~~~~~ * ~~~~~

Don't forget to vote pls...

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon