XX- Recorder

2.9K 123 1
                                    

Sasakyan ni Son ang ginamit nina Ada.

"Marie, sa tingin ko mas makakabuting bumalik ka na sa inyo." ani ni Iah.

"No ate." sagot agad ni Marie. "Ang tulad ko'y wala ng pagpipilian pa. Kung tama ang pagakaintindi ko sa mga nangyayari-- saan man ako magtago, may hahanap at hahanap sa akin."

Tumango si Iah nang may maalala. "Hindi tayo puwedeng pumunta roon ng walang dala."

----------------------------------------------------------------------------------

Camera Club room

Dali-daling sinusian ni Iah ang locker ni Jin.


"Kay Jin ba lahat yan?" hindi makapaniwalang sabi ni Ada. "At dito talaga niya tinatago?"

"Yup." sagot ni Iah habang inilalabas ang arnis at pana nang may mapansin siyang bagay na nababalutan ng pulang tela. Kinuha niya ito at inalis ang tela. Tumambad ang isang bolo. "Pati ba naman bolo Jin?"

"Kakaiba yang bolong yan ah." Ani ni Son nang mapansin ang dalawang maliliit na bato sa handle. "Ruby?"

"I don't know. Basta ang alam ko kailangan natin nito." sagot ni Iah. "Tara na."

--------------

Nakalabas na sila ng building nang napahinto si Son sa paglalakad at tumingala sa langit.

Huminto rin si Iah at tumingala. Kahit malayo ay kitang-kita niya ang dalawang ibong itim palipad sa direksiyon ng dorm nila.

"Bilisan niyo na!!" sigaw ni Son.


Patakbo nilang tinungo ang sasakyan na kaagad namang pinaharurot ni Son.

-------------------------------------------------------------------------

Naalimpungatan si Marie nang mauntog siya sa salamin ng kotse.

Nakatulog na pala siya..

Anong oras na ba? Tinignan niya ang kanyang wrist watch. Alas kuwatro na pala at kumakalam na ang kanyang sikmura. Tuloy-tuloy lang kasi ang biyahe nila at nakalimutan na nilang mananghalian. Tinignan niya ang katabi niya, nakatulog na rin pala si Iah samantalang malalim na nag iisip si Ada na nakaupo sa unahan ng sasakyan.


"Uhm.. Puwede ba tayong mag stop over muna? Naggugutom na kasi ako."

"Sige." sagot ni Son at maya-maya pa'y hininto ang sasakyan nang may makita silang maliit na karenderya. "Ako na ang bibili. Dito na lang kayo sa loob kumain."


Tumango na lang sina Marie at ginising si Iah.


THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon