XXXVIII- Bracing DeatSII

2.7K 101 0
                                    

*HINDI KO ALAM KUNG BAKIT NAPUTOL YUNG UD KONG TOH. KAYA KUNG MAY NOTI KAYO AT NAGUD AKO NG THE SAME CHAP IBIG SABIHIN DINUDUGTUNGAN KO O INAAYOS.*

Ayan na! Malapit na ending! Eto na talaga! :) Thank you super sa mga nagbasa, bumoto at nagcomment. Soooo Happy! Enjoy! YUNG VOTE HA WAG KALIMUTAN hehe! Hindi pa toh naedit ha.

~~~~~*~~~~~

"Anne!" Sigaw ni Ada at dali-daling sinundan ang pabagsak na kaibigan.


Mabuti na lang at nasalo niya ito bago tuluyang mahulog sa rumaragasang tubig na mabato.

Kaagad niyang nilipad ang kaibigan.


"A-Ada.."

"Pagdating natin sa itaas tumakbo ka na."


Malapit na sanang ilapag ng maayos ni Ada ang karga nang biglang may pumulupot na braso sa kanyang leeg.

Nabitiwan niya si Anne. Mabuti na lang at nakakapit ito kaagad sa ugat ng puno sa dulo ng bangin. Pinilit nitong umakyat at nang magtagumpay ay hinarap ang dalawa.


"Anne-tak-takbo!" Paputol-putol na sabi ni Ada habang kinakalas ang braso ng kalaban sa kanyang leeg.

"Ada..." Basang-basa na ng pinaghalong pawis at luha ang mukha ni Anne.



Buong lakas na hinawakan ni Ada ang braso ni Shehbah para makawala. Nagawa niyang itapat sa bibig niya ang braso nito at marahas niya itong kinagat.


"Aaaargh!!"


Napabitaw ito sa kanya.

Kaagad na dinura ni Ada ang laman na kinagat niya. Lasang-lasa pa rin niya ang dugo ng kalaban.



"Sabi ng takbo!!" Sigaw muli ni Ada bago muling hinarap si Shehbah. Natatarantang napasunod naman si Anne.

"Pagsisisihan mo ito!" Galit na galit na sigaw ni Shehbah pagkat kapag tulad nilang maharlika ang kumagat o kumalmot ay hindi kaagad humihilom ang sugat.



Tinapat ni Shehbah ang tungkod na hawak kay Ada ngunit taliwas sa inaasahan niyang mangyari ay hindi gumagana ang hawak laban kay dito.

Kumunot ang noo ni Shehbah at sa galit ay binaliktad ang tungkod. At buong lakas na binato ito kay Ada.

Mabuti na lamang at nakailag ang huli.

Bumaon ang kalahati ng tungkod sa katawan ng malaking puno.



Sinugod ni Shehbah si Ada at galit na galit itong pinagkakalmot. "Papatayin kita! Isusunod kita sa mga magulang mo!"

Gumanti na rin si Ada at lumaban.

Paikot-ikot sila sa ere.

Humaba ang dila ni Shehbah at pumulupot sa leeg niya. Habang patuloy pa rin ito sa pagkalmot sa kanya.

Napahawak si Ada sa dila nito dahil halos mawalan na siya ng hininga. Hindi na niya ininda ang mga sugat na natatamo.

Pikit na rin ang isa niyang mata pero kailangan niyang lumaban.

Hindi siya dapat matalo dahil kapag nangyari yun tuluyan ng mapapahamak ang mga naging kaibigan.

Kapag nagtagumpay si Shehbah alam niyang pati mga ordinaryong tao ay wala ng ligtas.

Buong lakas na hinawakan ng dalawang kamay ni Ada ang dila ni Shehbah at parang papel na pinunit!

Tumalsik ang dugo nito at napahiwalay sa kanya.

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon