XXV- Dungeon

2.6K 90 2
                                    

Nagising si Iah na karga-karga siya ng isang malaking lalake sa balikat. Isang madilim at pababang hagdan ang kanilang nilalandas. Sumimple siya ng tingin at nakiramdam kung may kasama pa silang iba.

Walang sumusunod sa kanila.

"Ibaba mo ako ng maayos." Maawtoridad na sabi ni Iah.

Dahan-dahan naman siya nitong binaba.

"Dalhin mo ako sa mga kasama kong hinuli niyo."

Walang imik na bumaba ng hagdan ang lalake na kanya namang sinundan. Mayroon siyang nakitang torch na nakasabit sa pader at kinuha iyon.

Paikot ang hagdan at nang makarating sila sa pinakababa ay natuklasan niyang isang dungeon iyon. At nagkataong may bantay sa bukana. Kumunot ang noo nito at akmang lalapitan siya pero tinitigan niya lang ito.

"Matulog ka."

Sumunod naman ito sa kanya at bumalik sa isang silya bago natulog. Muli niyang tinignan ang lalakeng kasama niya kanina pa.

Nasapo niya ang kanyang noo nang makitang natulog din ito.

Kailangan mo pa talaga ng practice, Iah.

Nagtip toe siya para maabot ang tenga ng lalake bago bumulong. "Gumising ka at dalhin mo ako sa mga kasama kong hinuli niyo. Protektahan mo rin ako laban sa mga kauri mo na gusto akong saktan."

Tumango ang lalake at muling naglakad. Natanaw ni Iah ang dalawang nakatayong lalake na may binabantayang kulungan. Ito na kaya yun? Sana..

Nakita ng dalawang bantay sina Iah.

Lumapit ang isa ngunit bumulong si Iah sa kasama niya dahilan para sunggaban nito ang papalapit sa kanila. Kapwa nagbago ang mga anyo ng dalawa. Nabigla din ang isa pang nagbabantay at nagbago ng anyo. Akmang susugod din ito pero napatay na ng kasama ni iah ang una nitong nakalaban, kaya sila naman ang nagtuos.

Nakita ni iah na tumalsik ang isang ring ng susi. Kaagad niya itong dinampot at tinignan ang kulungan.

Nasa loob nga ang mga kaibigan niya!

Nakaupong tulog si Lin, parang bagong gising naman si Elle at nahihilo samantalang bakas naman kay Marc ang sobrang pagod.

"Ate!!" Sigaw ni Anne na dali-daling tinungo ang rehas na bakal na nakapagitan sa kanila.

"Asaan yung iba?" Tanong ni Ley.

"Mamaya na ang tanong." Sagot ni Iah na natataranta na sa pagpili ng mga susi ng kulungan.

"Bilisan mo Iah baka maabutan nila tayo!" Si Aris na lumapit na rin sa rehas.

"Tumahimik na nga lang kayo! Lalo akong natataranta sa inyo eh." Reklamo ni Iah nang biglang magclick ang lock. "Bukas na!!"

Bubuksan na sana ni Iah ang kulungan nang biglang may pumigil sa pintong rehas!

Kamay ng isang babae.

Befor Iah knows it..

Nagdilim na ang paligid.

"Ate!!" Halos sabay sabay na sigaw nina Anne.

~~~~~*~~~~~*~~~~~*~~~~~

sorry kung hindi kaagad nakakapag ud. nasira ang wifi.tagal ng pldt ayusin. :(

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon