III- They Can See

4.2K 143 1
  • Dedicated kay Jennifer
                                    

Thank you for the reads and votes! Enjoy!

--------------------------------

Cafeteria

Tahimik kumakain sina Jin at  Marie sa cafeteria nang lumapit si Carl.



"Oh, ano problema niyo? Mukhang biyernes santo yang mga pagmumukha niyo." puna ni Carl sabay upo sa tabi ni Jin. "Bakit nga pala absent si Ada?"

"Umuwi muna, masama ang pakiramdam...Hay naku kuya, ang daming nangyari kagabi." buntong hininga ni Jin sabay inom ng juice.

"Ano ba nangyari? Nagaway ba kayo?"

"No.. but worst than that..." sibangot ni Marie. "Hindi mo rin maiintindihan."

"Okey." kibit balikat ni Carl. "Maiba ako, birthday na nina Iah, Ley, Mike at Tom sa Sabado. Anong plano?"



Sasagot na sana si Marie nang biglang tumabi sa kanya si Tom na abot langit ang ngiti.



"Narinig ko yun! May gagawin kayong surprise noh? Gusto ko ng cake, ice cream at lechon." tuloy-tuloy sa pagsasalita si Tom. "Alam niyo ba noong pinanganak ako, may apat na bulalakaw na bumagsak mula sa langit malapit sa hospital kung saan ako ipinanganak?"

"Yeah, we know. And no, we are not planning a surprise party." iling ni Marie na ikinasimangot ni Tom.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Camera Club room

Abalang-abala sa kanya-kanyang ginagawa ang mga miyembro ng club nang dumating si Tom.



"Hi guys." bati ni Tom sa mga kasama na tinignan lang siya. "Hi ma'am."

"Hello." bati ni Miss Ong. "Why are you late?"

"Sorry ma'am. Tawag ng kalikasan." sagot ni Tom sabay upo sa harap ni Mike at bulong. "Tingin ko may pinaplano silang surprise sa atin."



Hindi pinansin ni Mike ang kaharap at pinagpatuloy ang paglilinis sa lense ng kanyang camera.



THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon