VIII- The Meeting

3.4K 111 0
                                    

Room 209

Abala sa ginagawang project si Tom nang mapansin niyang kulang na siya sa materyales kayat kumuha siya ng upuan para abutin ang isang box sa pinakataas ng book shelf.

"Hindi naman siguro sa akin magagalit si Mike. Kukuha lang naman ako ng isang pirasong oslo. Ay hindi, tatlo na lang. Hehehe!!"

Kinuha niya ang box at kaagad itong binuksan. Sari-saring papel at art materials ang nasa loob, na madalas ginagamit sa kanilang mga projects.

"Nasaan na ba yun?" inisa-isang alisin ni Tom ang mga laman ng box hanggang sa makita niya ang hinahanap nang may mapansin siyang itim na libro sa pinakailalim ng box.

Out of curiosity, ay binuklat ni Tom ang itim na libro. Nagtaka siya sa nakita pagkat sa gitna ng mga pahina ay may square na butas. Mayroong maliit na kahon na saktong sakto sa butas. Kinuha niya ito at binuksan.

Nanlaki ang mga mata ni Tom sa nakitang laman ng maliit na kahon,

Isang diamond na katulad ng sa kanya!

Dali-daling ibinalik ni Tom ang maliit na box sa libro, na tamang tama naman sa pagpasok ng kuwarto ni Mike.

"Tom, may meeting tayo."

"About the club or about us?"

Napakunot ng noo si Mike sa tinuran ng kaibigan nang mapansin ang hawak-hawak nito. Kaagad nitong nilock ang pinto ng kuwarto.

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Kakakuha pa lang ni Marie ng padalang package sa kanya ng kanyang mga magulang kayat kaagad siyang tumawag sa mga ito na kabilin-bilinan sa kanya.

"Hello ma? Nakuha ko na. Thank you!"

"Marie, makinig kang mabuti. Dalawa ang laman ng package na iyan. Ingatan mong maigi ang nasa loob ng puting kahon at huwag na huwag mo itong ipapakita sa iba."

"Ha? Hindi ko po kayo maintindihan."

"Basta anak, ingatan mo yung mabuti. Maiintindihan mo rin. Oo nga pala nagpadala ulit ang papa mo. Kunin mo na lang."

"Okey ma. Thank you. I love you! Please also tell papa."

"We love you too. Sige ingat diyan."

Masayang- masayang ibinaba ni Marie ang telepono. Madalang lang kasi niyang makausap ang mga magulang dahil sa lagi itong busy sa mga negosyo pero they always make time at bonggang bumawi sa kanya kapag umuuwi siya tuwing bakasyon.

Pabalik na siya ng kuwarto nang tumunog ang kanyang cellphone.

Nagtext si Anne. "Mango tree. Asap."

Itinago munang mabuti ni Marie ang package bago pumunta sa meeting place nila.

Kailangan munang dumaan ni Marie sa elementary building bago makarating sa destinasyon nang may mapansin siyang batang babae. Nakauniform din ito kagaya ng ibang bata.

Nakapagtataka lang kung paano ito tumingin sa kanya,

puno ng galit ang mga mata nito..

Hindi na niya ito pinansin. Baka mali lang siya ng akala at mabilis na naglakad.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Puno ng mangga

Kumpleto na ang grupo kasama si Ada nang dumating si Marie. "Sorry, I'm late. Ano bang pag uusapan natin?"

"Tungkol sa pagpunta nina Marc sa bahay ni Catalina." sagot ni Carl.

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon