XXXIV- Who is who

2.6K 134 11
                                    

"Jin. Jin." tapik ni Ley sa pisngi ni Jin na umungot ng kaunti. "Jin, ayos ka lang?"

Unti-unting dinilat ni Jin ang mga mata. Nasa loob sila ng naglalakihang ugat ng malaking puno.

"L-Ley.. Nasaan si Tom?"

"Hinabol siya."

"Ano?!! Arg!" nasapo ni Jin ang nananakit na ulo sa pagkabigla. Muli pa sana siyang magsasalita nang sumenyas ang kasamang manahimik sila.

May kinuha si Ley sa bulsa. Isang kuwintas na may diamante at kumikinang-kinang. Muli niya itong tinago.

"May paparating."

Hinigpitan ni Jin ang pagkakahawak sa kanyang tanto.

Naghihintay..

Nagaabang..

Nawala na ang isa sa pinili, hindi niya hahayaang makuha pa ang isa.

Isang obligasyon na dapat niyang tuparin,

buhay man ang kapalit.

Ito ang tadhana ng isang Anino..

Muntik ng mapasigaw si Ley nang may sumampa sa mga ugat na nagsisilbing bubong nila na isang malaking aswang. Mabuti na lang at natakpan kaagad ni Jin ang kanyang bibig. Tumutulo pa ang malagkit na laway nito sa pagitan ng mga ugat. Hindi sila kaagad napansin nito.

Nagsimula itong suminghot singhot.

Inaamoy ang paligid.

Hanggang sa yumuko ito kasabay nang pagwasak nito ng mga ugat ng puno.

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon