I- Dear Professor

7.6K 188 9
                                    

Girl's Dorm (Room 303)



Mag-isa lang si Anne sa mga oras na yaon. Malalim siyang nag-iisip habang nakahiga sa kanyang kama. Iniisip niya ang mga sinabi ni Mike at inaalala kung paano nag-umpisang gumulo ang lahat..



Binuo nila ang Camera club last year, dahil sa hilig nila sa art at pagkuha ng mga litrato. Ito rin ang nagsisilbing bonding time nila. Maayos naman ang club during it's first few months. Nagbago lang ang lahat nang mamatay ang adviser nila sa club.

~~~~ (Freshmen Year)

Mr. Rañezes always encouraged them to do their passion. Ito ang tumulong sa kanilang buoin ang club at maipasa ito sa admin. He even used his own money to help them buy their materials. Ito rin ang pumili ng lumang room sa dulo ng fifth floor, ng high school building. Luma na ang room pero napaganda pa rin nila ito. Ang pinagtataka lang nila noon ay kung bakit ayaw nitong tumanggap ng iba pang miyembro, ang rason nito'y bago pa lang ang club. He was really supportive and they really had fun with him.



Everything was going well hanggang sa isang hapon ay nagpatawag ito ng meeting. Kapansin-pansin dito ang kawalan ng tulog at tila may ikinababahala.











Napansin kaagad ni Mike ang pagkabahala ng professor. "Sir, ayos ka lang?"







Tinapik-tapik ni Mr. Rañezes ang balikat ni Mike sabay naupo sa tabing silya nito. "Kailangan kong umuwi muna sa amin, mawawala ako ng ilang araw."







"Pero sir, paano po yung exhibit? Malapit na yun." pag-aalala ni Mike.







"You can lead them, Mike. Hindi sa lahat ng oras ay may gagabay sa inyo, kailangan niyong maging handa lagi." payo ni Mr. Rañezes. "You are all gifted. Basta lagi kayong magdadamayan at tulungan. I know you can do it. And I'm really proud to be your club adviser."







"Sir, para ka namang nagpapaalam niyan." puna ni Tom, who always has a way of lightening things up, habang kumakain ng Pringles.











Muling tinapik ni Mr. Rañezes ang balikat ni Mike.







Pagkatapos ng kaunting bilin ay dinismiss din sila kaagad ni Mr. Rañezes maliban kina Anne at Iah na kanyang pinaiwan.







Isang lumang libro na kasin laki ng medium size na notebook, ang inabot ni Mr. Rañezes kay Anne. Naghahalo ang itim at tansong kulay nito. "Huwag na huwag ninyo itong bubuksan hanggat hindi kinakailangan. Marami ang hindi maniniwala sa inyo pero kailangan ninyong magpakatatag."







"Ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhang tanong ni Anne.







"Darating ang araw na maiintindihan niyo rin ang lahat. Ang bawat isa sa inyo ay may importanteng gagampanan." At dali-dali itong umalis.







"Gagampanan?" ito na lamang ang nasambit ni Iah habang palayo ang professor sa kanila.

-----------------------------------------------------------------------------------

Nagmamadaling makarating si Anne sa club room, bitbit-bitbit ang mga art materials na kanilang gagamitin para sa nalalapit na exhibit. Natatatanaw na niya ang pinto ng silid, nang mapansin niyang pumasok si Mr. Rañezes.






 Rañezes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon