X XVI- Capture

3.2K 224 5
                                    

Unti-unting dinilat ni Iah ang mga mata niya. Nahawakan niya ang noo sa sakit na naramdaman. May sugat siya!

Ano bang nangyari sa kanya? Pilit niya inalala ang mga nangyari..

Tama, may umumpog sa akin sa rehas na bakal.

Tinignan niya ang paligid. Nakakulong din siya pero siya lang mag-isa.

Tsk, nasaan yung iba?

Tinangka ni Iah tawagin si Anne ngunit bigla siyang natakot sa natuklasan!

Napahawak siya sa kanyang bibig at may nakapang matigas na bagay.

Ano ito?!

May nakatakip na bakal sa kanyang bibig na animo'y mask. Pinilit niya itong alisin ngunit may lock ito.

"Ate.." Dinig niya ang mahinang tawag ni Anne.

Kaagad siyang lumapit sa rehas ng kulungan.

"Ate.. Ayos ka lang ba?" Tanong ni Anne na nasa kabilang kulungan lang.

Inilusot ni Iah ang kaliwang braso sa maliit na awang ng rehas at nag ok sign.

Pilit namang inabot ni Anne ang kamay ni Iah pero dahil sa kapal ng pader na nakapagitan sa kanila'y tanging mga daliri lang nila ang nagdikit.

Nasa ganoon silang tagpo nang may marinig silang pumalakpak.

"How touching." Patuloy sa pagpalakpak si Shehbah.

"Ms. Ong?" Hindi makapaniwala si Lin.

"Ipasok niyo na yan!" Utos ni Shehbah.

Doon lang nila namalayan na may kasunod pala itong malaking lalake na buhat-buhat sa balikat si Tom na parang isang sako ng bigas samantalang kinakaladkad naman si Mike na gusto pa ring manlaban.

"Tom!!" Halos sabay- sabay na sabi nina Aris.

Binuksan ng isa pang kasama nina Shehbah ang kulungan at ipinasok ang dalawa.

"Tom.." Tapik ni Elle sa pisngi ni Tom. "Gising Tom.."

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon