IX- Answers

3.2K 116 1
                                    

"Sandali, kailangan din tong marinig ng iba." ani ni Iah sabay tawag kina Mike at inaloud speaker ito.



Tinawagan din ni Marie sina Anne.




"Sa mundo may liwanag at dilim." panimula ni Ada. "Mayroong masasama at mabubuti. Nagpakawala ang dilim ng kanilang mga alagad para maghasik ng kasamaan dito sa mundo ngunit dahil sa pagmamahal sa atin ng Dakilang Lumikha ng lahat, nagkaroon ng mga pinili. Sabi ni ama kung nagkalat sa buong mundo ang dilim ganun din ang liwanag."

"Ibig sabihin marami pang iba?" Si Mike sa kabilang linya. "Paano natin sila macocontact?"

"Hindi ko alam. Ang sabi ni ama, matagal ng nawala ang communication ng mga liwanag."

"Ano pa ang alam mo?" Tanong ni Aris na kasama ni Mike. " Ano yung gabay, yung pinili at sino yung sinasabi mong kailangang mahanap?"

"Isang gabay ang mga magulang ko. Obligasyon nilang bantayan at gabayan ang mga pinili hanggang sa takdang oras na malaman nila ang tungkol sa kani-kanilang pagkatao."

"At ang mga pinili?" Seryosong tanong ni Ley.

"Biniyayaan ng Dakilang Lumikha ang mga pinili ng mga katangian at kakayahan upang kalabanin ang dilim."

"Ha? Parang ang corny naman nun? Hindi bat sa movies lang nangyayari ang mga ganyan?" Hindi makapaniwalang sabi ni Anne.

"Puwes ngayon true to life na." Sagot ni Ada na ikinatahimik ni Anne. "Yung taong hinahanap ko'y may bughaw na mga mata. Sabi sa kuwento ang taong yun ay may kakaibang kakayahan at isa rin siyang susi."

"Susi?" Napakunot ng noo si Ley.

"Hindi ko alam. Wala talagang nakakaalam dahil yun lang ang naisulat tungkol dito. Ang sabi nga ni papa, hindi rin siya sigurado kung mayroon pa bang tulad niya dahil ilang siglo na ang nagdaan mula nang huling lumitaw ito."


"Magulo pa rin. Bakit kailangan ng Diyos ng mga pinili?" si Anne. "Makapangyarihan naman siya, kaya niyang sugpuin ang mga dilim di ba?"

"Yan ang isang bagay na pagdating ng panahon ay maiintindihan at masasagot din natin."

"Bakit hindi man lang sinabi ito ni sir sa amin?" pagtataka ni Marie.

"Hindi ko rin alam ang sagot diyan."

"Wala ba siyang nasabi, naisulat o naibigay bago siya namaalam?" pagbabakasakali ni Ley.

Biglang naalala ni Iah ang huling araw na nakausap nila ito. "Yung libro! Kabilin bilinan niya saming ingatan yun at huwag bubuksan hanggat hindi kailangan talaga."

Aris na nasa loud speaker. "Samin? Sino pa nakakaalam? Bakit hindi niyo man lang sinabi sa amin? ang dami ng nangyari. Asaan na yung libro?"

"Tinago ko." sagotg ni Anne. "Nasa dorm."

"Magkita-kita tayo dun." si Mike.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Girl's Dorm

Room 303

Unang dumating sa kuwarto sina Anne, Elle, Jin, Lin at Mau.

Kaagad na hinanap ni Anne ang libro sa secret hiding place niya sa loob ng kanyang cabinet ngunit hindi niya ito mahanap.



"Wala rito!" natatarantang sabi ni Anne. "Nawawala yung libro!!"

"Sigurado ka?!" ani ni Jin. "Baka namisplace mo lang."

"Hindi, sigurado akong dito ko lang nilagay yun." paniniguro ni Anne. "Mula nang ibigay sa amin yung libro, dito ko lang yun tinago at ni minsan hindi ko na tinanggal pa rito."



Nagtulong-tulong ang mga babae sa paghahanap.

Animo'y binagyo ang kuwarto nang dumating ang iba.



"Anong nangyari rito?" tanong ni Marie.

"Nawawala ni Anne yung libro." sagot ni Lin na napaupo na sa pagod. "Kanina pa kami naghahanap pero wala talaga."

"Sigurado kayo?" paniniguro ni Carl sabay baling ki Anne. "Tinago mo bang mabuti?"

"Yes." sagot ni Anne na naiiyak na.

"Importante ang librong yun, Anne." sabi ni Jhon. "Alalahanin mong mabuti."

"Dito ko nga lang tinago!" tuluyan ng umiyak si Anne.

"Haizt.. Anne, baka yun na ang makasagot sa mga katanungan natin." ani ni Marc na may bahid ng paninisi.

"I'm sorry! Okey?"

"Tama na yan." saway ni Iah sabay alo sa pinakabata sa kanila. "Tahan na."

"Bakit tahimik ka diyan?" tanong ni Mike sa katabi.

"May naisip lang ako." sagot ni Aris. "Dun tayo sa labas."

------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ano yun?" tanong ni Mike pagkatapos isara ang pinto ng kuwarto pag labas nila.

"Tanging yung dalawa lang ang nakakaalam ng libro hindi ba?" si Aris. "Paano mawawala ang librong yun kung tanging sila lang ang nakakaalam? Unless may nakakita ki Anne or may nangealam ng gamit niya, tama?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sa tingin ko'y may traydor sa atin. Apat lang silang natutulog diyan, hindi malayong may isang makaalam."

"Isa sa kanila ang traydor? Pero.. pumapasok din diyan sina Elle pati tayo. Naalala mo, may ginawa tayong project dito?"

"Oo nga. Pero malakas ang kutob kong may isa sa ating traydor.."

~~~~~ * ~~~~~ * ~~~~~ * ~~~~~

Pls. don't forget to vote. Thank you and God bless!

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon