Missing Chapters IV

950 36 0
                                    

Ada, Reyna ng mga Aswang

Papasok na ng kuwarto si Son na may dalang tubig nang may marinig siyang kausap si Ada sa loob ng kuwarto. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kaunti upang sumilip. Nagulat siya nang makita ang mga dating kaibigang yumao na. Masyang nag-uusap ang pamilya kayat nagpasya siyang lumisan muli at isara ang pinto.

Napailing-iling si Son nang nakangiti. Akala ko'y nawala nang tuluyan ba't ang third eye ni Ada nang gawin namin sa kanya ang ritwal noong bata pa siya. Tunay ngang nananalaytay ang dugo ng aswang at gabay ki Ada.

Sa loob naman ng silid ay nag-uusap ang pamilya nina Ada.

"Paano't nakaka-kita ka na?" Tanong ni Mr. Rañezes pagkatapos ng kanilang batian. "Ang akala ko'y tuluyan ng nawala ang kakayahan mong makakita ng ibang nilalang mula nang isupress namin ang iyong kakayahan noong bata ka pa."

"Marahil ay muli itong lumabas nang lunukin niya ang bato." Sagot ni Paloma.

Napatango na lamang si Ada nang maalala ang kanyang panaginip.

"Akala ko'y natagpuan mo na ang taong hinahanap ko. Nararamdaman kong nasa panahong ito ang nagmamay-ari ng mga bughaw na mga mata. Sadya lamang malakas at kakaiba ang kapangyarihan niya kayat maging sa mga tulad naming namayapa na'y naitatago niya kung sino siya. Kailangan mo siyang mahanap." Ani ni Mr. Ranezes. "May hinala akong si-"

"Ama.." Putol agad ni Ada sa sasabihin ng huli. Naalala niya ang babala ng taong yun at hindi niya hahayaang mangyari ang mga sinabi nito. "Nakapag pasya na ho akong talikuran ang pagiging gabay."

Nagkatinginan ang mga magulang niya bago sabay na tinitigan siya na nanghihingi ng paliwanag.

"Mas kailangan ako rito. Ang mga pinili ay may mga anino na. Ama, nagampanan niyo na'ng pagsama-samahim at gabayan sila upang maging isang matatag na grupo ng Liwanag. Ang mga narito'y mas kailangan ng gabay."

"Pero-" si Mr. Ranezes

"Naintindihan namin anak." Putol kaagad ni Paloma sa asawa na kinausap ito gamit ang mga mata na ikinatango naman ng huli. "Gabayan mo sila sa pagbabago, Ada. We're proud of you."

"Mahal na mahal ka namin, anak."

Unti-unting naglaho ang mga magulang ni Ada. "Saglit! Saan kayo pupunta?"

"Narito lamang kami. Hindi lamang kami puwedeng magtagal sa form na ito. Huwag ka mag-alala at maki-kita mo muli kami."

Napatango-tango si Ada. "Mahal ko po kayo."

At tuluyang naglaho ang mga magulang ni Ada pero ramdam pa rin niya ang mga presensya ng mga ito sa paligid. Napangiti siya, totoong napakasaya niya kahit alam niyang pansamantala lamang ang kanyang kakayahan. Kayat kahit na ganoon ay nagpapasalamat siya sa taong yun. Lumipad ang ala-ala niya nang kasama niya ang camera club na nagkakagulo dahil sa multo at saglit siyang nagkaroon ng kakayahang makakita, marahil ay ito ang hindi sinasadyang napahawak sa kanya. Ano pa ba ng kakayahan mo?..


Lumipas ang ilang araw at tuluyan ng nakabawi si Ada ng kanyang lakas. Naisipan niyang lamabas ng teresa sa kanyang kuwarto. Mula roon ay kitang-kita ang bilog na buwan. Napadako ang tingin niya sa baba, sa malawak na lupaing kanyang nasasakupan.

Napakunot ang noo niya, maraming tao sa baba at nakamasid sa kanya. May malaking bon fire at mga tent sa paligid.


"Hinihintay ka nila mahal na Reyna Ada." Pahayag ni Son na kakarating lang. Lumuhod ito sa isang tuhod at gamit ang dalawang kamay ay nilahad ang tungkod.

Kinuha ni Ada ang tungkod. Kasabay ang pagliwanag ng pulang bola ay ang pagpula rin ng kanyang mga mata. Isa-isang nagsiluhod ang mga nilalang na hinhintay siya upang magbigay respeto at pagpapakita ng pagtanggap ng mga ito.

Lumabas ang naglalakihang pakpak ni Ada at sa isang bigwas ay nasa himpapawid na siya..

-----------------
July 30, 2017

THE CLUB: Dark Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon