SYAZREEN NICOLE'S POV
Naglalakad kami ngayon ni Chun Keven sa park.
Kahit papaano, medyo naaliw ako. Maraming tao dito. May mga batang naghahabulan, may mga couple na nakaupo sa bench, may mga nagpi-picnic. Mas okay ‘to kesa sa restaurant kanina.
“Hello, Ate! Hello, Kuya! P’wede po ba namin kayong maistorbo? Sandali lang po ito,”
bungad sa’min ng limang batang lumapit.
Napangiti ako sa kanila. Ang cute nila.
“Bakit? Ano ‘yon?”
tanong ko, pinipilit kong maging masigla kahit medyo maga pa yung mata ko sa kakaiyak.
“Kasi po, may shop kami do’n sa kabila,” turo nung isang batang babae, “Tapos nagtitinda po kami ng couple things. Kailangan po namin kumuha ng isang pair ng mag-couple.”
Napatigil ako.
“Kahit isang pair lang po ng couple things yung mabili n’yo, malaking tulong na po ‘yon sa’min,” dagdag nung isang batang lalaki. “Please po. Sorry kung nakaabala sa date n’yo.”
Date?
Nagkatinginan kami ni Chun.
At swear namumula siya haha Dahil akala ng mga bata mag-date kami. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak ulit. Kasi kung alam lang nila.
“H-Ha?”
utal ko, hindi alam ang isasagot.
Si Chun Keven naman, biglang umiwas ng tingin. Kamot-ulo. Classic Chun Keven kapag nahihiya.
“T-Teka lang, mga bata,” sabi niya, pero halatang hindi siya galit. “Hindi kami ano… hindi kami mag-ano~”
Hindi kami mag-date.
Hindi kami mag-couple.
Pero bakit hindi mo matuloy, Chun Keven?
Napatingin ako sa kanya. Pulang-pula na yung tenga niya.
Ang cute.
CHUN KEVEN'S POV
Napagkamalan pa kaming mag-couple nitong si panget.
Hah. Hindi naman kami sweet.
Ano ba ‘tong mga bata, bulag siguro ‘to.
“Sorry, but we’re not in—”
Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla niyang tinakpan yung bibig ko.
“Hehe, sige! Try namin makatulong,”
sabi niya sa mga bata, ang saya-saya pa.
Aba. Bigla niyang tinakpan yung bibig ko at siya na yung sumagot. Try namin makatulong daw. Nababaliw na siguro yung panget na ‘to.
“Wow, thank you, Ate! Hehe. Bakit n’yo po tinakpan yung bibig ng boyfriend n’yo?”
tanong nung isang bata, inosente.
Boyfriend…?
“H-Ha? Ay, sorry hehe. Nahihiya lang siya,” sagot ni Syazreen, tapos tumawa pa. “Kapag kasi nahihiya siya, sumisigaw. Haha. Kaya tinakpan ko yung bibig niya. Hehe.”
Langhiya. Panget ‘to, umpisa na naman. Nandito ako para i-comfort siya tapos pinapahiya niya pa ako?!
“Ang sweet n’yo naman po,”
BINABASA MO ANG
Stay With Me [Completed]
Non-FictionThis is the story of two royal families. Their parents arranged a marriage between their children to unite their businesses, properties, and power. Chong Sin Chun Keven is the sole heir of the Chong family. Mafuzah Syazreen Nicole is the only daught...
![Stay With Me [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/44457382-64-k814450.jpg)