Our New House

986 25 0
                                        

*Syazreen Nicole's POV:*

"My princess, everything is ready. Shall we go now?"

"Yes, Mom. I'm ready."

Ready. What a lie hays

Aalis na ako sa mansion namin. Iiwan ko 'tong buhay ko para tumira sa isang bahay kasama ang pinaka-hate kong tao sa buong mundo.

Si Chong Sin Chun Keven.

Sumakay ako ng kotse. Si Mommy ang maghahatid. Si Daddy? Wala. May meeting daw siya. Of course! Workaholic yan.

"Princess, I know it's very difficult for you to live in one house with Chun Keven. But we're doing this because we love you, my princess. I hope you understand your Mommy."

Love? Napakapit ako sa leather ng bag ko.

Hindi nila alam kung gaano kahirap 'to para sa'kin. Hindi nila alam kung gaano kabigat sa dibdib yung bawat salita sa kontratang 'yon. Grandchildren. Wedding at 18. Sleep in one bed.

Pero ngumiti lang ako. Fake. Practiced. The heiress smile.

"I understand, Mom."

Hindi ko pa rin nakakalimutan. Yung sampal. Yung sakit sa pisngi ko nung gabing 'yon. Yung galit sa mata ni Mommy nung sinabi kong ayoko.

I will never forget that for the rest of my life.

Pinunasan ko yung luha bago pa tumulo.

Hindi ako iiyak. Not in front of her. Not today.

Humugot ako ng hininga.

Fine. Gusto niyo akong ikulong sa bahay na 'yon with Keven? Then I'll make sure he hates every second of it too.

Nakarating na kami sa new house namin. Pagkababa ko, agad kong napansin yung isang itim na kotse sa kabilang parking.

Siguro kay bingu 'to. Siya lang naman ang kasama ko dito, 'di ba?

Napairap ako.

Bumaba ako ng kotse at pumasok sa loob. Yung driver, bitbit lahat ng maleta ko na parang lilipat ako for good. Which I am. Unfortunately.

Pagkapasok ko natigilan ako.

Hmm. In fairness, ang ganda. Malinis, moderno, amoy bago. Parang comfortable. Kahit papaano, hindi kulungan yung itsura. Not bad. Ang laki, ang sosyal. Pwede na. At least kung magdurusa ako, maganda yung view.

'Ohhh, Syazreen, hija. Hi, Nelsie! Nandito na pala kayo"

bungad ni Mommy Cinthia - nanay ni Keven.

Nag-smile muna ako. Yung heiress smile na trained ako since birth.

"Hello po, Mommy Cinthia."

"Have a seat first, hija. Nagpapahinga si Keven sa taas. Mamaya lang bababa 'yon."

Tumango ako at naupo. Crossed legs, chin then I'll be the queen of it. Pero sa loob-loob ko,

Great. Unang araw pa lang, awkward na agad.

Napatingin ako sa kamay ko. Yung engagement ring. Kumikislap sa ilaw.

This stupid ring. Welcome to your new prison, Syazreen.

Biglang bumaba si Keven sa sala. Walang lingon, diretso upo sa sofa. Tumayo ako para kunin ko ang bag ko pero umupo sya sa pwesto ko.

"Hey, Bingu, usog ka nga d'yan. Uupo ako,"

sabi ko na mataray.

Umusog siya. Pero ang layo. Parang may boundary line sa gitna namin.

Stay With Me [Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon