A/N: Ang mababasa niyo po dito ay ang Point of View ni Psoraya. This is the official start of the journey of the four right-hands. Ang Chapter one ay glimpse nang namumuong tensyon between Azusa and Jessie. Please be reminded na mauulit ang ibang lines galing sa Chaoter one. If you can't understand my explanation, dahil magulo ay just go with the flow.
P.S. I really suck doing notes so..
~~~**~~~"Pst. Psoraya!" Biglang may bumato sa akin.
"What the hell!?" Sigaw ko habang tumatayo.
Sumakit ang ulo ko dahil sa biglaang pagtayo. Hinding-hindi ko na uulitin yun. Tiningnan ko ang binato sa akin at nakita ko ang isang bato. Hinawakan ko kaagad ang ulo.
"Nakakainis ka naman, Ziro! Natamaan na nga ako sa ulo ni Old Man ay tatamaan mo uli ako! This time, harder!" Inis na bulyaw ko.
Lumapit ako sa sira-sira naming bintana at binuksan ito. Nakita kong madaming tao na ang nasa kalsada at nagsisiyahan. Hapon na dahil mas madilim na ngayon kumpara kanina. Huminga ako ng malalim, kung hindi lang nagalit si Old Man...
"Psoraya, sumama ka na sa akin. I can get you out." Tumabi sa akin si Ziro at nag-transform na sa divisible form niya.
"Bakit hindi ka pa umaalis Ziro? Maaabutan ka lang ni Old Man at makakasama ka pa sa gulo." Hinarap ko siya at nahuling nakatingin sa akin. "Hapon na. Pumunta ka na sa Arena. Mapupuno na iyon ilang sandali lamang." Ani ko habang papunta sa pintuan.
"I know you want to go." He stated.
Oo. Gustong-gusto kong sumama pero hindi pwede. I can't.
"Mas mabuti pang dito nalang ako." Binuksan ko na ang pintuan at biglang pumasok ang malamig na hangin.
"Why don't you just leave a note? Hindi ba't dati ay nakatakas ka din sa kaniya? Akala niya ay you ran through some errands? Bakit hindi mo nalang sabihin na pumunta ka kila Sky?" Suwestiyon niya.
"Do you want me to be killed? Si Sky ang pinag-uusapan natin dito! Nasa mundong ibabaw!" Inis kong sumbat.
He heaved a sigh.
"Just...go, Ziro. Umalis ka nalang. Dadating na din naman mamaya si Old Man."
"Okay. Aalis na ako. Pero kung gusto mo sumunod ay doon lamang ako malapit sa entrance ng Arena." Tumango nalang ako para maka-alis siya.Kahit alam niyang hindi niya ako mapipilit pumunta sa Arena ay sinabi niya pa din iyon. Nag-paalam na siya at lumabas. Sinaraduhan ko naman agad ang pinto at nag-linis nalang uli. Kumuha ako ng gamit pang-gamot at agad na itinaas ang damit ko.
Nakita kong may bahid ng dugo ang parte ng damit ko sa may bandang likuran kaya agad ko itong tiningnan. May malalim na guhit dito at tuloy-tuloy na dumudugo. Kumuha ako ng pampahid at agad nilagay ito sa sugat.
The cold gel stings. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang sigaw na nagbabadyang lumabas sa mga labi ko. Hindi pa din ako sanay. Napa-iling nalang ako at nag-ayos.
Nang makarating ako sa bintana ay napansin kong may tatlong tao na nasa baba ng bahay at laking gulat ko nang humiwalay ang binti ng isa sa mga ito.
"Years passed at hindi pa rin naaayos ang legs mo. The poison really is dangerous." Dinig ko na sabi ng lalakeng nakatayo.
"Of course it is. They smuggled their weapons. At dito pa iyon nanggaling." Nanlaki ang mga mata ko.
Hindi sila taga-rito. Hindi sila pwede dito. At kung makapag-salita sila na dito nanggaling ang mga armas na nagamit ay para bang nandidiri ito.
BINABASA MO ANG
THE FOUR RINGS
FantasyThe four right hands are now facing a journey between life and death. Dahil una, pag nakita sila na nasa forbidden place ay maaari silang patayin, pangalawa, they are not meant to be there because chaos will rise at pangatlo. There's no turning back...