Chapter 26

746 27 1
                                    

Nanlalaki ang mga mata ko habang nagt-transform ng mabilis. Umalis ako sa dating pwesto ko at 'di na muling nilingon iyong babae. 

Just, what was that? 

Walang alinlangan akong lumusot sa isang pinto. Paano nakuha noong babae ang pana ng ganun kabilis? Well, syempre hindi basta-basta makapasok sa army pero hindi ko maiwasang mamangha at matakot.

Nilingon ko ang kwarto at malawak ito. Medyo madilim pero nakikita ko naman ang ibang parte dahil sumikat na ang araw. Pinakiramdaman ko muna ang paligid ko kung ligtas ba ang pwesto kung nasan ako bago ko libutin ang kwarto.

Nang wala akong marinig na mga ingay ay nag-transform na muli ako at nilibot ang buong kwarto. Kahit na medyo madilim ay malinis ito at masasabing inalagaan ng mabuti ang kwarto kahit na walang tao dito. May takip kasi ang ibang gamit at wala man lang ni isang gusot sa kama neto.

Umupo ako doon at pumikit. Sa sobrang tahimik ng buong paligid ay parang walang masamang nangyayari sa baba.

"Psoraya. . ." agad akong napatayo.

Nilingon ko ang buong kwarto upang mahanap ang kung sino mang tumawag sa akin. But the voice seems very familiar.

"Psoraya. . ." nanlaki ang mga mata ko ng mapag-alamang kay Ziro ang boses na iyon.

"Ziro!" sigaw ko.

"Psoraya. . ." bulong niyang muli.

"Nasan ka Ziro!? Ziro!" sigaw ko.

"Psoraya. . ." tawag niyang muli.

Nilingon ko ang direksyon kung saan nanggaling ang boses niya.

"Ziro! Ikaw ba 'yan!?" 

"Psoraya. . ." 

I took a step forward. Idinikit ko ang tenga ko sa pader.

"Ziro?" bulong ko.

Tumahimik ng sandali ang bulong paligid. Magsasalita na sana muli ako nang bigla kong marinig ang boses niya.

"Save yourself!" sigaw nito kaya agad kong inilayo ang tenga ko.

Napangiwi ako. Sa sobrang lakas ng sigaw na iyon ay isang matinis na tunog lamang ang naririnig ko. Si Ziro ba talaga iyon? Nandito siya? 

Ginulo ko ang buhok ko. Hindi. Hindi siya iyon. Wala siya rito.

"May narinig akong boses dito, hanapin niyo siya!" rinig kong sigaw sa labas ng hallway.

Nanlalaki ang mga mata ko habang ako ay nagt-transform. There really is a possibility that that is Ziro. Pero bakit siya naririto? I need to find him as soon as possible. Pero siya nga ba talaga iyon?

Nagtago ako sa mga gamit na may taklob. Siguro naman ay hindi nila ako mapapansin dito.

"Open all the doors one by one. Search for her! Don't kill her, we need her alive!" sigaw ng isang babae.

Inikutan ko ang parang isang frame para kahit papano ay hindi ako madaling makikita.

"Liz! There's someone in here!" 

"Ano? Saan?" a girl who may be Liz asked.

Nakarinig ako ng mga yabag sa hallway.

"What the fuck!?" Liz exclaimed. "Get ready, we'll kill her here. She's just a mere monster." 

Sa pagkakasabi niya ng monster ay gusto kong lumabas ang tulungan ang kung sino mang monster iyon. 

Nakarinig ako ng growl. Maaaring isang wolf iyon. May mga espada akong naririnig at may mga sumisigaw na rin.

THE FOUR RINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon