CHAPTER 3

1.6K 57 0
                                    

Kaya pala lagi kong naririnig ang pangalan na iyon! Dahil nakuha siya ni Princess Siri!

"Psoraya." Hinawakan ako ni Ziro sa mga braso ko. Pinunasan niya ang mga luhang kanina pa pala tumatakas sa mga mata ko.

"Ayos lang ako Ziro. Akala ko ay totoo niya kaming iniwan." Napaiyak uli ako at ngayon ay tumango na. "Isa pala siya sa mga nago-organize dito, huh? She still use the name Frayman. Akala ko ay nag-asawa na uli siya." Pinunasan ko na ang mga luha ko at humarap uli kay Ziro.

"But Psoraya, wala na siya. Naiwan na niya talaga kayo. I'm sorry to hear that. Pero on the bright side, nahuli nila ang pumatay!" Tuwang-tuwa si Ziro habang sinasabi ang huling tanaga.

"Oo nga naman. Makinig nalang uli tayo." Humarap na kami kay Holleb at laking gulat namin ng katabi na niya ang lalakeng nakacloak.

Para bang kinakausap niya ito ng masinsinan. Seryoso ang usapan at may kasaling isang Hari. Their talk must be very important. Umuna kami ng konti ni Ziro at nakita ang dalawa niya pang kasama na nasa gilid namin.

"Nasan ang ikatlo?" Bulong ko.

"Nasa likod niyo."

"Sht!" Bulyaw ni Ziro at nasiko pa ako.

Ano ba naman ang lalakeng ito. Ako pa talaga ang sinaktan at hindi iyong lalakeng nasa likod namin. Lumapit naman agad ang dalawa na nasa gilid namin at hinila kami patungo sa labas ng Arena.

"Bitawan niyo kami!" Sigaw ko.

"Shut up! Hindi naman namin kayo hahalayin." Iritadong sabi ng lalakeng may brown hair.

Nagkatinginan agad kami ni Ziro at mas lalong nagmatigas na umalis na. Baka kung ano ang gawin nila sa amin! Baka narinig nila ang mga pinag-uusapan namin! Hindi pwede!

Nakita ko nalang na nag-transform si Ziro sa kaniyang invisible form at agad namang nataranta ang lalakeng may maroon na buhok. Napabitaw tuloy ang lalakeng may brown hair. Nakatakas si Ziro!

Nararamdaman kong umiinit ang katawan ng babae kaya napalunok naman agad ako. Umiinit na din ang mga kamay niyang nakahawak sa mga braso ko! Kailangan ko na si Ziro.

"Hindi kayo ordinaryong wizards." The girl stated. Naramdaman kong lumalamig na ng konti ang mga kamay niya at lumuluwag na ang pagkakahawak niya sa akin.

Psoraya, umalis ka na! Akmang tatakbo na ako pero natigilan ako sa sinabi niya.

"I'm sorry about your mother." Lumayo na siya sa akin at naramdaman ko ang presensya ni Ziro sa tabi ko. Unti-unti na siyang nagtatransform at hinawakan ako sa balikat.

"Mother?" Kunwaring tanong ni Ziro.

"Kilala namin si Cecelie Frayman. Alam namin ang history niya. We know facts. Detailed informations about her." Page-explain noong may maroon na buhok.

"We heard all. Alam namin na alam niyo ang totoong pagkatao namin. Alam niyong hindi kami taga-rito. Kaya kayo ang kinaka-usap namin ngayon. I'm Kent by the way." Tumango lamang siya sa amin.

"I'm Jeff, leader of the group. At siya naman si Jessie." Sabay turo sa babae.

"How can we know that we can trust you?" Seryosong tanong ni Ziro at nag-move forward.

"Dahil kami ang nagliligtas sa inyo. Sa mundo ng mahika o sa mundo natin, kami ang protection niyo. We are the four right hands. Hindi kami pupunta dito kung hindi niyo naman kami maaasahan." Sagot noong Jeff.

THE FOUR RINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon