Chapter 20

964 33 3
                                    

Nasa likuran ako ni Master Dox papunta kay Siri. This is all I have to do. Kung maibabalik ko si Siri sa dati ay paniguradong malaki ang tsansa naming manalo. Ziro, I'll transform Siri back. This is all for you.

Paakyat kami sa lounge ng mga hari sa tuwing may games. Doon ikinulong si Siri para daw hindi siya makatakas. The King's Lounge is protected by a spell. Kaya walang basta-basta makakaalis doon with a demonic presence.

"Sky is also there." ani Master Dox. "Kaano-ano ni Sky si Setrina- no, I mean Princess Siri?" tanong niya.

Napalunok ako. Walang alam si Master Dox sa kung ano ba talaga si Headmaster Setrina kahit na sila ang malapit sa isa't isa. Para bang pinaglaruan lamang siya ni Headmaster.

Alam niya rin ba ang tungkol kay Kent? No, 'di ko pwedeng sabihin at ipagkalat nalang 'yun basta-basta.

I dismissed that thought at hinarap si Master Dox.

"Sky is Princess Siri's assistant. Si Sky lang din ang nakakapagpakalma sa Prinsesa kapag nag-fu-fully transform na siya." sagot ko.

"Then, why did the King ask you so?" Lumingon sa akin si Master at halatang gulong-gulo na rin siya.

"Siguro, ako nalang ang natitirang option? If Sky can't return the Princess back to her old self, then maybe I can?" pati ako ay naguluhan na rin.

Yeah, bakit ako? Sky can do all the work. Nangyari na rin ito dati sa training room. Isang linggo ang kinailangan para maibalik ang prinsesa sa dati.

"Psoraya. . ."

Napataas ako ng ulo nang marinig ang pamilyar na boses. Tinagilid ako nang makita si Sky na naka-upo sa tabi ng pintuan.

Ganito ba ang nangyayari kapag kumakampi sa mga kanang kamay? Nasisiraan ng buhay?

Muntik na akong tumawa sa naisip. Death is upon them. There is nothing to worry about. Kapag namatay na sila ay magiging maayos na muli ang mundo namin. Wala nang mga sorcerers ang mangingealam.

"Psoraya, are you ready?" tanong sa akin ni Master Dox.

Nasa tabi na niya ngayon si Sky at parang pagod na pagod. Panigurado akong ginagawa niya ang lahat para lamang mabalik si Siri sa dati.

Hinawakan niya ako sa balikat, I can feel his cold skin beneath my cloak.

"Sinimulan mo 'to, Psoraya. Ngayon, tapusin mo." bulong niya.

Natigilan ako. He's telling the truth and I don't like it. No. Hindi siya ang tama.

"Kung hindi siya kumampi kila Jessie, hindi magiging ganito ang kalagayan niya." madiin kong sabi.

"Ikaw ang may gawa nito." sagot naman ni Sky,

Nag-tiim bagang ako. Sky's mind is clouded. Kung sana ay hindi sila kumampi kila Jessie, hindi magiging ganito.

"Stop." pumagitna sa amin si Master Dox. "Psoraya, we have no time to waste. Once the Princess' returns, we will charge."

"Ano!? Lalaban agad?" gulat na tanong ni Sky.

"The war already started, Sky. Simula noong pumunta dito ang mga kanang kamay, nagsimula na ang laban." lumapit si Master Dox kay Sky. "Kilala mo ang tunay na kalaban, Sky. Nangyari na ito dati, don't let history repeat itself."

THE FOUR RINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon