CHAPTER 7

1.3K 48 6
                                    

The day went fast. Nakatulala lang ako habang may naglalaban sa Arena. Bakit ba kasi nakita ko ang korona sa palapulsuhan ni Headmaster? Umiling nalang ako. Mas mabuti pang kalimutan ko nalang iyon, baka mapahamak pa ako.

Unang araw palang ng Games pero madami na din ang wala. Katulad nalang ng 13th na namatay lahat ang mga miyembro. Eliminated naman ang 5th at 8th. Napakabilis man ay ganun daw talaga yun. Ang pinakamahabang araw daw ng Games sa buong underworld ay apat na araw lang. Kasama na ang wildcard.

Last na itong grupo na ito at sa pagkakaalam ko ay 9th at 3rd. Wala namang exciting sa nangyayari o hindi lang talaga ako nanunuod.

Tiningnan ko ang score board. Nangunguna pa rin ang 4th na may 45 points. Tie naman ang grupo namin at ang 1st group na may 25 points. At ang 6th at 7th na may ten points.

Natapos din ang laban ng 9th at 3rd. Last na laro na pala iyon para sa unang araw. Bukas daw uli. Sa laban ng 9th at 3rd, walang nanalo. They were disqualified. Agad. Gumamit daw ang 9th ng illegal na potion na ikinagalit ng clan namin. They were a disgrace. Kami kasi ang pinagmumukhang masama.

Yung 3rd naman, drugs ang ginamit. Tsaka lang ito nalaman ng council nung tapos na ang laro dahil wala ni isa ang nagkasugat sa kanila at nangamoy daw bigla ang potion.

"Pangalawang araw na bukas, at doon na maglalaban-laban mismo ang mga grupo. Konti nalang kasi ang natitira." Simula ni Jeff at matalim na tumingin sa akin.

"You need to learn how are you going to defend yourself. Lahat tayo ay hindi makakatakas sa mga natitirang grupo." Sabi niya bago lumapit sa akin.

Sobrang lapit. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko, at dahan-dahan itong binababa. Sht!

"Je-Jeff." Nanginginig kong sabi.

"Hm?" Rinig kong sabi niya.

"Yu-yung-"

"Aha!" Lumayo na siya sa akin at nakita ko ang dagger na binigay sa akin ni Jessie na hawak-hawak na niya.

"Do you know how to use this?" Tanong niya tsaka humarap sa akin.

Tinutok niya ang dagger sa direksyon ko.

"Papatayin mo na ba ako?" Tanong ko at sabay nito ang pagbato niya ng dagger.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang hapdi sa pisngi ko. Hinawakan ko ito pero wala namang dugo.

"Kailangan ka pa atang saktan para magising sa katotohanan." He whispered. "Hindi madali ang games, Psoraya. Kailangan mong manakit kundi ikaw ang sasaktan." Natigilan ako sa mga salitang kaniyang binitawan.

"Kung ganoon, bakit ako pa ang pinili niyo maging miyembro?" Matapang kong tanong pero narinig ko ang mahina niyang tawa.

"Kasi..kailangan ka namin." Pagkasabi niya noon ay tumalikod siya sa akin at iniwan ako sa hall.

"Kuhain mo ang dagger kung kaya mo. Bye bye!" Ngumiti siya sa akin at kumaway.

Tiningnan ko ang likod ko. Hindi talaga ako ang tinamaan niya. Sakto kasi ang dagger sa isang butas ng halaman na nasa vase sa halls. Sakto ito. Kung kagaya ko lang sila.

THE FOUR RINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon