CHAPTER 10

1.1K 45 2
                                    

Nang makaalis sila Dox ay hindi na rin muna agad ako umalis. I really just need to stay hidden, pero kailangan ko na ring umalis sa parteng ito.

Nakakarinig ako ng mga yapak so I decided to stay. More chances of hiding less chances of killing. I wonder what my members are up to right now. Ba't ba naman kasi biglaan 'to!? Damn that woman.

"...may natitira pang iba." The steps that I'm hearing a while ago are now voices.

"Kung hanapin kaya muna natin yung madadali? Paniguradong magkasama na naman sina Dox at Setrina."

"Lagi naman yung dalawang 'yun. Ginagamit lang naman ni Setrina si Dox."

Mas lalo akong nagtago. Tangina kaya ko namang patayin ang dalawang 'to eh, imbes na nakikinig pa ako sa pinaguusapan nila. Kaso, di ko rin naman alam ang kapangyarihan nila kaya wala ring silbi dahil baka mas malakas sila sa akin.

"Ang alam ko nga ay target na ngayon ni Setrina si 14th. She said 14th's strong, may posibilidad nga raw na mas malakas pa ito kay Dox." Napa-angat ang labi ko.

Kaya ba lagi akong nilalapitan ni Setrina? O baka naman gusto lang talaga akong patayin nang babaeng 'yun? If Dox will always stay by her side, he will be dead.

"Cel, we are not the only one in this area."

Tumingin ako sa paligid ko. Madilim naman at nasa pinakatagong parte na ako. How can they know that I'm fucking here!?

"I can hear its thoughts."

Lumaki ang mata ko. Ang isa sa kanila ay vampire, I'm sure of it. Bampira ang nakakarinig ng aking mga isipan. The only way to get through it is to stop thinking.

"And it's a he. I can sense him."

"Ano ka ba naman, Layla. We are the only ones here."

"Cel, I know where he is."

Hindi ko na napigilan at mas lalo na akong nagpanic. Alam ko namang kaya ko sila. But...well, fuck it. Dalawa sila, isa lang ako. I mean, I know I have different ability pero dalawa sila.

"He's up there."

--

"Kent, hindi ko alam kung nasaan ang kay Jessie, iba kasi ang nakikita ko." Ani ko sa kaniya.

"It's alright Psoraya. I'm sure she's still here. I'm sure she's still alive." Hinawakan niya ang balikat ko at nakita ko siyang malamyang ngumiti.

Mahal niya talaga si Jessie at wala talagang makakapigil sa kanilang dalawa. Gusto ko siyang tulungan sa abot ng aking makakaya. Pero, baka ako rin ang maging rason para matalo siya,

"Tara na, Psoraya. Hanapin na natin sila." Pagyaya niya sa akin.

"Pero, paano kung mali na naman ang napasukan natin?" Pigil ko sa kaniya,

"Tatalunin natin sila. May forty minutes pa na natitira, Psoraya. Matagal pang labanan ang magaganap." Aniya.

Tumango nalang ako. Bahala na kung saan kami mapunta.

THE FOUR RINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon