Chapter 22

841 29 1
                                    

Hindi naging madali ang laban sa Academy. Masyadong malalakas ang mga estudyante doon at mabilis na namamatay ang mga apoy.

"Psoraya, pumasok ka na doon. Tulungan mo ang mga fairies!" sigaw niya sa akin at may sinigawan pa siyang iba.

Sinunod ko naman siya at dahan-dahang gumagapang sa wall ng Academy. Nakikita ko sa mga bintana kung paano naglalaban ang mga fairies at ang mga estudyante.

Pinaka-malakas sa depensa ang fairies dahil nag reregenerate sila. Hindi sila basta-basta namamatay. Pero bakit hindi nila matalo ang mga estudyante?

Gumapang pa ako pataas para makapasok sa pinakamataas na bahagi ng gusali pero may biglang tumusok sa dingding na ginagalawan ko. Pagtingin ko doon ay isang metal na pana ang nakatusok at malapit pa sa buntot ko.

Nanlaki bigola ang mga mata ko at kasabay ng mga galaw ko ay ang parami pa ng parami ang mga pana na tumutusok sa dingding.

Dahil sa takot ko na matusok ako ay pumasok na ako sa bintana ng isang palapag. Nagtago agad ako at tiningnan muna ang paligid bago nag-transform.

Pinagmasdan ko ang kwarto kung nasaan ako. Para itong isang malaking opisina at sari-saring mga papeles ang nag-kalat.

Lalabas na sana ako dahil wala namang mahalaga doon ngunit nakita ko ang isang portrait sa likod ko. Isang pamilyar na pangalan ang bumungad sa akin at kuminang ang suot nitong kwintas sa portrait.

'Viennia Chase'

Iyon ang nakasulat sa ilalim ng larawan at mas lalo pang kuminang ang mga beads sa kwintas niya. Pinagmasdan kong mabuti ang sampung beads na nakapalibot sa leeg niya. Iba't iba ang mga kulay nito at parang may laman ang bawat isa.

Saan ko nga ba siya nakita? Inisip ko nang inisip at nang mapagtantong siya ang nababasa ko sa mga libro na nakukuha namin ni Ziro ay parang gusto ko nang umalis sa opisina niya.

Siya iyong namumuno ng Academy at naging isa sa mga pinakamagagaling na Amethyst! Pero hindi. Kahit siya ay isang half-monster ay mas kumakampi pa rin siya sa mga sorcerers. Sa mga sorcerers na naninira ng mundo namin.

Kinuha ko ang dagger ko at sinira ang portrait bago umalis. Wala nang tao sa palapag na ito at nag-iinit na rin ang atmosphere.

Sinilip ko pa ang mga natitirang silid para masiguradong walang makakatakas sa bandang ito. Napahinga ako ng malalim nang may isang pinto ang naka-lock. Dahan-dahan uli akong nag-stretch at lumusot sa taas ng pinto.

Madilim ang kwarto. Sobrang dilim na halos wala akong makita.

Natigilan ako ng biglang may tumunog. Those were footsteps kaya hinanda ko ang dagger ko. Palakas ng palakas ang mga yabag kaya mas lalo akong naging alerto. Hindi ko alam kung gaano kalakas ang makakaharap ko kaya dapat ay maghanda ako.

"Hindi ka pa ba aalis? Kailangan na nating tumakas." rinig ko.

"Ano ka ba. Mahuhuli nila tayo kapag lumabas tayo dito. Mas mabuti pang mag-tago tayo."

Napangiti naman ako sa aking narinig. Unti-unti akong gumapang at dinadama ang mga katawan nila. Kahit na mag-tago kayo, gagawa kami ng paraan para mahanap kayo.

"May isa pa tayong kasama, Devi. . ." napatigil ako ng marinig iyon.

Alam nilang nandito ako. Delikado.

"Aalis na tayo, Psoraya. Bumalik ka na dito!" rinig kong boses ni Kyla sa aking ulo.

Para naman akong aso na biglang sumunod sa kaniyang boses at dahan-dahang gumapang paalis.

THE FOUR RINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon