"Wala na daw ang dragon. The Arena's all cleaned up." Deklara ni Jeff.
"Edi tayo na ang unang sasabak?" Tanong ni Kent na parang nababahala.
Huminga muna ng malalim si Jeff at tumango.
"Pero, kagagaling mo lang." Sabi ko naman.
"Ayos na naman ako. At tsaka, there's no changing it. Nakalaan na talaga tayo sa next game." He sounded tired pero pilit pa rin siyang makikipaglaban.
"Kung ganoon ay wala tayong magagawa. Kailangan na nating pumunta doon." Seryosong sabi ni Azusa.
"Paano yung potions?" Singit ko naman.
"Healing potion nalang ang gawin mo, that'll be the best thing to have." Ngiti sa akin ni Jessie at agad ko naman iyong ginawa.
Pagkatapos kong gawin ang potion ay umalis na kami. Papunta uli sa Arena. Habang papalapit doon ay patindi ng patindi ang kaba ko.
Tiningnan ko si Ziro. Nakayuko lamang siya habang naglalakad. Paniguradong takot din iyon.
Pagkarating namin sa Arena ay marami uling tao. Wala ng magarbong entrance ang ginawa at pinatuloy na agad ang mga grupo sa kani-kanilang mga seats. Huminga ako ng malalim.
This is it.
"Huwag kayong matakot. We will be the first move." Sabi ni Jessie at hinawakan ako sa kamay.
"Pag may isa sa aming hindi na kaya, si Ziro muna ang papalit. Huwag mo sanang masamain, Psoraya, but you will be the least." Dagdag nito at ngumiti sa akin.
"Ayos lang. Ah! Oo nga pala, yung potion." Sabi ko at kinuha ang sampung maliliit na bote sa cloak ko.
"Mabuti na yung may potion kayo. Iinumin niyo nalang." Binigyan ko sila ng tagdadalawa at umupo na uli ako.
Tiningnan ko ang scoreboard sa taas ng Arena. Nangunguna ang 4th group at sumunod naman ang 6th at 7th na may 10 points pareho.
Ano kaya ang makakalaban namin?
Nagsimula na uling mag-ingay ang Arena noong nag-salita na ang host. Sobrang lakas ng hiyawan nila at hindi na ako mapakali. Nanginginig na ang tuhod ko at kinakabahan na ako ng sobra.
"Next game. 8th and 14th." Napatingala naman kami at agad na tumayo.
Huminga kami ng malalim bago pumasok sa mismong paglalabanan. Pagkapasok ay nakaramdam ako ng malakas na hangin. Ah, may forcefield na sadya ang Arena pero hindi ito nakikita.
Dumeritso na kami sa gitna at kasabay lang namin ang 8th group. Agad kong napansin ang mapuputing balahibo ng mga ito. Angels.
Agad akong nagulat ng may naramdaman akong presensya sa likod ko. Agad akong nakaramdam ng pagipit. Ang sakit pero wala namang umiipit sa akin. Agad akong nanghina, unti-unti akong nahihirapang huminga.
"Psoraya!" Rinig kong sigaw nila.
"Ah sht!" Sigaw ko at pinilit na ginamit ang kapangyarihan ko.
Unti-unti naman akong pumayat hanggang sa naging isang manipis na hibla nalang ako. Naramdaman ko na unti-unting lumuluwag ang pagkapilit sa akin. Just so, naramdaman kong uminit ang paligid.
Paniguradong kay Jessie ito. Bigla nalang nagdilim ng sobra at ginamit ko na ang chansang iyon para bumalik uli sa form ko. Tiningnan ko naman ang paligid ko.
Maalikabok. Lumaki ang mata ko. Legendary power ito. Kasabay naman nito ang ang kapangyarihan ni Jeff. Nakikita ko na ang ibang paa ng mga kalahok. Atleast walang makakakita sa akin.
BINABASA MO ANG
THE FOUR RINGS
FantasyThe four right hands are now facing a journey between life and death. Dahil una, pag nakita sila na nasa forbidden place ay maaari silang patayin, pangalawa, they are not meant to be there because chaos will rise at pangatlo. There's no turning back...