Chapter 19

975 30 2
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na si Master Dox ang nasa harap ko at tinuturo sa akin ang daan pabalik sa underworld. War is starting.

"Say, Psoraya, bakit ka sumali sa Dark games?" Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang tanong ni Master Dox. "You see, I needed revenge kaya ako sumali doon." he laughed for a bit. "Sorry for saying unnecessary." aniya at 'di na muli akong kinausap.

Revenge?

Hindi ko nalang iyon pinansin at patuloy ko nalang siyang sinundan. Nasa malalim na parte na kami ng gubat pero kitang-kita ko pa din kung gaano kalakas ang apoy sa Trost. It's even visible through the color of the sky.

Tumigil si Master Dox at nakita kong may liwanag na nanggagaling sa dalawang puno. When I got near it, I was amazed on how the light shone.

"Portal. Mauna ka at babantayan muna kita, susunod din ako agad." utos niya.

So this is a portal? Hinawakan ko ito at naramdaman kong nabasa ang kamay ko kaya inalis ko ito agad. But it was dry all of a sudden!

Sure akong nabasa iyon! Narinig ko ang pag tawa ni Master Dox sa likod ko kaya medyo na insulto ako. I'm new to this.

"Sa tubig gawa ang portal pero kahit na tubig 'yan ay di ka mababasa kahit anong gawin mo. So just go, don't be scared, Ziro's waiting for you."

Sa sinabi niyang iyon ay hindi na ako natakot na pumasok sa portal. It was just in a short span pero hilong-hilo ako sa loob ng portal.

Naramdaman ko namang tumama ang likod ko sa matigas na bagay kaya tumayo agad ako.

"Nasa clan natin tayo. Wala na dapat tayong sayangin na oras pa, we need to hurry." gulat akong napatingin kay Master Dox na nasa likod ko na.

Tumango naman ako at agad siyang sinundan. Somehow I feel a little tired, baka ito ay gawa ng pagkakakulong ko sa dungeon. Thinking about it, they've drained my power.

Triny kong habaan ang kamay ko, pero walang nangyari. Is this the power of Trost?

"You'll have your power soon. Sa ngayon ay kailangan munang sanayin ng katawan mo ang paligid. Don't worry, you'll get them back." ngiti niya.

"Ah, saan nga po pala tayo pupunta?" I asked.

"Sa Arena." Umiba ang tono ng boses niya kaya hindi na ako nagtanong pa.

This is getting pretty serious. Ito ang kauna-unahang laban ko. Well maybe, most of us here are first-timers. Gusto ko sanang tanungin si Master Dox pero mukhang seryosong seryoso siya.

Nang malapit na kami sa Arena ay nakita ko na agad ang pagbabago. Hindi ito ang normal na underworld, kung dati ay may mga monsters na kumakalat sa mga kalsada, ngayon ay wala na.

Somehow this scares me.

"Psoraya, nasa headquarters si Ziro, doon ka dumeritso. Nagpapahinga siya doon, pagkatapos ay pumunta ka kaagad sa Arena. We need something to discuss about as soon as possible."

Hindi na niya ako muling nilingon pa kaya mabilis akong tumakbo papuntang headquarters. Ano kaya ang gustong pagusapan ni Master Dox? Is it important?

May bigla namang humarangan sa akin nang papasok na ako ng headquarters, this is Ziro! I need to pass!

"Pangalan." ani noong isang gwardya.

"Psoraya." sagot ko.

"Gusto kang makita ni Kyla sa dati niyong silid. Kung maaari ay bilisin mo." utos niya.

THE FOUR RINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon